Part 1 to 3
Summer. It's now the second month of summer here in Philippines. I love being here in Norga Island every summer. The place have this beautiful view where the blue sea is kissing the blue sky, and I love it's calm and relaxing view.
Norga Island, where my grandparents are living and have a successful business here, they owned the famous amusement park. I can see how much they love this place and even me, I'm loving every single waves of the Norga Island.
Tumayo ako sa pagkakaupo at napabuntong hininga.
“Hmm! I love this place, I want to live here soon.” I said to myself and smiled.
“You can live here if you want.”
Halos malagutan ako ng hininga matapos pakinggan ang nagsalita. What I know was I'm alone here.
Nilingon ko ito and gosh!
“Who are you? What tooks you here?” I calmly asked.
“Uh? Is that what they treat a guest here?”nagkibit balikat ang loko at tumalikod.
Nandito lang naman ako sa resort ng kaibigan nila lola, and I love the spot here. Nasa pinakadulong bahagi kasi ako, malapit lang ito sa amusement park. May one round table with two seats made with cement. May nga puno, maliit na swimming pool at kitang kita ang magandang view ng island. Parang private dating place ang dating nito, pero syempre mag isa lang ako at malayang nakakapasok dito.
Tinignan ko ulit yung lalaki pero nasa swimming pool na siya!
“Hey! You're not allowed to come here! It's a private place, who are you?” kinakabahan kong tanong, ngayon palang may naglakas loob na pumunta dito sa spot na to.
“I'm a guest who need to treat well.” sabi nito at hinubad ang sando... at? hinagis sa akin? What?! “Oh? Sorry, can you put it on the table? Hehe.”
Gosh! This can't be! Hindi porke mukhang mayaman ito ay pwedeng pwede na siyang pumunta sa spot ko!
Nakakainis! Pero sige, pagbigyan ko nalang. Sabagay nagbayad naman siya upang makapasok sa resort na ito. At kung paalisin ko, baka mawalan sila ng mayaman na costumer dito.
Hinayaan ko siya, pumunta ako sa table at sumimsim ng juice. Pinagpatuloy ko ang pagprapractice ng gitara hanggang sa mapagod ang kamay ko.
Pero halos mapatalon nanaman ako nang marinig ang boses sa likod ko.
“You love music?” eto nanaman yung lalaki, bat ba nandito nanaman to?
Nilingon ko ito ngunit di sinagot, I just rolled my eyes and strum my guitar again.
“That’s not the right stru-”
“Pwede ba? Magswimming ka nalang doon at hayaan mo akong mag practice na mag isa?” sabi ko dito.
“Naiirita kasi ako sa boses mo at sa pag stum mo.” aba! Mukhang siya pa ang naiinis?
“Wow? Hahaha” namamangha kunwaring sagot ko. “Wala kang maririnig kapag nasa loob ng tubig yang ulo mo ha?” nakapamewang ko ng sabi sakanya.
“I'm doing freestyle swimming, nakalabas yung tenga ko so naririnig kita. Tsaka sino ka ba?”
Halla? Ako pa talaga ang tinatanong niyan?
Kumunot ang noo nito habang nakatingin sa akin.
“Ah nevermind, I'm not interested.” pagkasabi niya ay tumalikod at naglakad palayo.
I rolled my eyes. Nakakagulat ang presensiya niya. Napahawak ako sa dibdib ko at halatang gulat na gulat parin sa inasta ng lalaking iyon.
Matapos ang araw na iyon ay umuwi ako sa bahay nila lola. Malaki ang bahay nila, at nakakamangha ang disenyo nito.
Tumulong ako sa pagkwekwenta ng kita sa araw na ito. At hindi na ako magtataka kung marami silang kita. Marami kasing turista ang namamasyal dito.
Bukod sa Gomez spot, eto ang pangalawa kong tambayan, dito sa amusement park nila lola. Mas madalas lang ako sa Gomez spot kasi mas tahimik, malayo sa mga tao at may private space talaga siya, may pool pa.
Dalawang araw akong tumulong sa sa business nila lola, pwede namang hayaaan ko nalang ang mgapagkakatiwalaang tauhan pero dahil makulit ako at gustong maexperience ang ginagawa nila, lalo na sa pagmamanage ay tumulong ako.
“Ey fresh air again! Hmmm!” nakapikit ako at umikot habang nilalanghap ang sariwang hangin. Ramdam na ramdam ko ang malamig na hangin na nakakarelax sa akin. I love it.
*BOOOGSS!
Kung kanina’y napapikit ako sa hangin, ngayon napapikit ako sa sakit! Masakit sa noo. Tumama ako sa matigas na bagay. Unti unti akong napamulat, I can even feel the beat of my heart, bigla akong kinabahan.
“Don’t close your eyes when you turn around, you might not see someone behind you.”
Unti unti akong napamulat, umatras ako at nanlaki ang mga mata ko matapos makita ang lalaking... siya nanaman?
He look so serious, salubong ag dalawang kilay habang nakatingin sa akin. Naka white t-shirt at naka urban short.
Tumama pala ako sa kanya.
Unti-unti akong napaatras sa hiya. Pero nagulat ako noong humakbang siya palapit sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko. What are you doing man?
My heart's beating so fast and loud, I can even hear it. Nakakakaba.
“Stop!” mawtoridad na boses nito. Ngunit nagpatuloy parin ako sa pag atras hanggang sa...
Nahila niya ang braso ko, dahilan para mauntog muli ako sa dibdib niya.
“Don't move backwards without looking what's in your back.” pagkasabi non ay binitawan na niya ang braso ko.
Unti unti akong lumingon sa likod, at sa gulat ko ay halos mapatalon ako!
The deep well! At naka bukas! Paano nalang kung hindi niya ako hinila?
Pero teka, bat ba kasi naka bukas ito? Bat nawala yung takip niyan?
Uminit ang ulo ko sa inis.
“Sino ka ba ha? Bakit mo tinanggal ang takip ng well na iyan?” kinakabahan ko paring tanong.
“Alam mo bang delikado kapag nakabukas yan?!” iritado ko ng tanong. “Paano nalang kapag nahulog ako jan?” malungkot kong sabi.
“Ask yourself. Do you always do that papikit style? Tignan mo, sa kakapikit mo tumama ka sa akin.” seryoso paring untag nito.
“Next time, tignan mo ang nilalakaran mo. Don't walk back coz you don't have eyes at your back.” dagdag pa niya at mas lalong kumulo ang dugo ko. Ano ba kasing ginagawa niyan dito?!
“Bakit mo ba kasi pinapakialaman ang deep well na yan. Sinarado na nga nila tapos bubuksan mo pa? Useless naman kasi wala ng tubig yan.”
“Tch.”pagkabigkas niya ay tinalikuran nanaman niya ako.
Nakaalis na siya pero kinakabahan parin ako. Umayos ako sa pagkakaupo at kinalma ang sarili. Nagsulat nalang ako ng kanta, nawalan na ako ng ganang magswimming. Sa kalagitnaan ng pagsusulat ay nag ring ang cp ko. Si lola tumatawag.
Lola asked me to go at the hotel’s restaurant. Pagdating ko don, namangha ako sa eleganteng set up nito. Talagang pang mayaman ang datingan. The place looks classic but elegant, i love it.
Naroon na sila lola, pero may mga kasama sila.
Ang nakikilala ko lang ay ang grandparents ko at sina lolo and lola Gomez. May isang couple, mga ka age ni dad, at may dalawang binata na hindi nalalayo sa edad ko. They looks handsome.
“Apo!” sumigaw si lola at doon lang ako natauhan.
Bumati ako at niyakap sila, including lolo and lola Gomez. Kumalas ako sa pagkakayap at ngumiti sa bisita. Mukhang seryosong tao sila.
“Hija, I would like you to meet my son, and his family.” sabi ni lolo Philip sabay turo sa anak niya.
Ngumiti ito sa akin at naglahad ng kamay. “I'm your tito Arvin Gomez, the oldest son of your lola Thiana. How about you hija?” nakangiti paring tanong niya sa akin.
“Wow, nice meeting you po tito. I'm Aizle Hailey Domiguez po, grand daughter of lolo and lola.” sabay turo ko sa direction ng grandparents ko.
“I guess you're the daughter of their oldest son, Marco Domiguez?!” natutuwa nitong tanong sa akin. Tumango ako at niyakap niya ako! “Oh I'm sorry hija, namiss ko lang ang daddy mo. We were friends back then!”
Nagpatuloy ang pakikipagkilala ko sa kanyang asawa na si tita Genie, at ang dalawang anak ba nila?
Naglahad ng kamay ang isang lalaki sa akin “I'm Christan, niece of tito Marco, how old are you?” nakangiti paring tanong nito.
“Im 25, nice to meet you.” nakangiti ring sagot ko.
“Ehem ehem.” kunwaring nauubo ang isa pang lalaki. Don lang kami natauhan ni Christan, binitawan na niya ang kamay ko. Nakakahiya.
“What is your name?” tanong ko sa isang lalaki. Ako na ang nagtanong para hindi halatang kinakabahan ako.
“I'm Mac Roilan, miss beautiful.” ngisi nito at naglahad ng kamay. “Im 26, cousin of Christan too. Our parents didn't arrive due to business reasons.” pagdadaldal ni Mac.
Tumango nalang ako at ngumiti.
“Omoo! My son!” excited na sigaw ni tita Genie.
Lilingon na sana ako sa bagong dating pero nagtanong ulit si Christan.
“Are you single? Miss beautiful?” aba ang tapang naman nito at harap harapan talagang nag chichics!
“Dude, haha. Masyado kang halata.” narinig kong bulong ni Mac.
“I'm sorry I'm late.” halos mapatalon ako sa gulat! Narinig ko yung boses nong lalaki!
Lumingon ako, nakataas ang kilay niya sa akin!
Hindi man lang nabigla sa presensiya ko.
Bigla akong kinabahan.
“Magtitigan nalang ba kayo?” natatawang sabi ni Mac. “Dont you want to know this beautiful girl?” tanong ni Mac kay lalaki. Hindi ko alam ang name niya e.
“Tch haha.” bahagya siyang natawa. Bagay sa kanya ang soot niya ngayon. Naka black v-neck shirt, at black jeans. Hindi ko maitatanggi, gwapo siya, malaki din ang katawan niya, siguro nag gygym?
“Hey? Ang sabi ko, I'm Brixton.” bigla akong kinabahan. Kanina pa pala nakalahad ang kamay niya.
“I'm Aizle.” sabi ko at kakamayan ko na sana siya pero bigla niya itong binaba!
Pinapahiya niya ako? Nanumbalik ang inis ko sa kanya!
Kunot ang noo ko habang kumakain kami ng dinner. My grandparents and their grandparents talk about their friendship in past, pero hindi ako maka concentrate.
Nalaman ko lang na si Brixton pala ang eldest grandson ng mga Gomez. 26 years old din siya at graduate sa kursong Business Management. Nalaman ko rin na siya ang sinasanay na mag handle ng Gomez Hotel and Resorts. Bigla tuloy akong nahiya sa inasta ko noong pumasok siya sa favorite spot ko, mas may karapatan pala siya kesa sa akin.
I spent my weekend at the beach. Naisip kong magswimming sa pool don sa favorite spot ko pero mas bet ko ang beach ngayon. Gusto kong mag pa-araw.
9 am palang pero madami ng tao dito sa beach. May mga magkakaibigan na lumalangoy at naglalaro sa tubig. May isang pamilya naman na tinuturuan ang anak na lumangoy, meron ding couples naghahabulan sa tubig.
Naisip ko noong kami pa ni Jake, pareho kaming focus sa pag aaral pero may time din naman kami together. We don't need to see each other everytime but we do love each other. Noon yan. But nagbreak kami, we both fell out of love. Nareliazed namin na mas okay pag magkaibigan nalang kami. Napangiti ako sa couples.
“Naiinggit ka?”
“Ay kamoteng gulay! Anu ba naman!” napahawak ako sa dibdib ko at nilingon ang nasa likuran!
Napakaseryoso ng mukha niya! Kailan kaya ito huling tumawa?
“You’re swimming alone here?” bigla niyang tanong.
Lagi niya nalang pinapabilis ang tibok ng puso ko. Lagi siyang nanggugulat at nakakainis iyon!
“Hindi ako nag iisa, nakikita mo naman siguro 'no?” hindi naman talaga ako nag iisa, marami kaming nagswimming ngayon.
“Tch. Silly.” ngumisi siya at nilagpasan ako. Nakapamewang ko siyang sinundan ng tingin kahit nag swiswiming na siya!
“Pupurihin pa sana kitang magaling lumangoy pero ang pangit naman ng ugali mo. Hmp!”
“Hey miss beautiful!” dalawa lang naman tumatawag sakin ng ganyan dito. His cousins.
“Oh hello? Magswimming rin kayo?” tanong ko kay Mac na naka topless rin.
“Yeah. Sobrang init kasi. Boring naman kung mag stay lang kami sa hotel hahaha.” wika ni Mac.
“Whats up, beautiful.” si Christan lang naman yun.
“Okay lang, ineenjoy yung view.” sagot ko.
“Seems like you're alone? Whose with you, by the way?” Tanong ni Christan. Akala siguro niya may kasama akong maganda haha.
“Wala haha, sorry wala akong maipapakilala sayo. Bukas yayain ko yung kaibigan ko dito at ipakilala mo sayo.” nakangisi kong sagot. Natawa naman si Mac. May kaibigan naman ako dito, si Kelzie, naku mahilig to sa mga gwapo, baka kung kasama ko siya ngayon ay paniguradong humihiyaw sa kilig.
“Tch kahit wag na. Meron ka naman hehe.”
“Hoi, ikaw Christan a? Tigil tigilan mo nga si Aizle.” seryosong sabi ni Mac Roilan.
“Ano ba? Magswimming ba kayong dalawa o ano?” boses nanaman ni Brix! Nakakaasar kasi lagi akong nagugulat.
“Tara, sa gitna Aizle!” pang aaya ni Christan pero tumanggi ako. Okay na ako dito, gusto ko lang naman magbabad at tsaka moment naman nilang magpinsan yun e.
“Nice.” bulong ni Brix habang naka ngisi. Anong nice nice sinasabi neto?
“Baliw.” pabulong kong sabi.
Hindi siya sumasagot pero nilingon niya ako. Nakangiti na siya ngayon. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti!
Nakangiti siya! Gosh!
My heart's beat so fast again. Kinakabahan nanaman?
Tumawa siya, pero naramdaman ko ang wisik ng tubig sa aking mukha. Konting wisik lang yun pero nairita ako.
“Kainis ka!” bumawi ako. Winisikan ko siya ng tubig. Derederetso ang ginawa ko hanggang sa tumama ito sa mukha niya, napapikit siya sa sakit, natamaan yung mata niya. Halaa?
“Hoy, okay ka lang?” lumapit ako sa kanya at tinignan sa mukha. Inopen niya ang isa niyang mata at nilingon ako. Hindi ko maintindihan kung bakit napangiti nanaman siya. Pero imbis na sagutin ako ay iniwan niya akong mag isa, nag swimming siya papunta sa mga pinsan niya.
Kinabukasan niyaya ko si Kelzie na mag swimming. Pumayag naman siya. Nakilala niya rin sina Christan, Mac at Brix. Hindi niya mapigilang kiligin sa tuwing lalapitan siya nong tatlo. Simpleng action lang nila, kinikilig na siya.
Sa loob ng tatlong buwan naging madalas ang pagkikita namin, napalapit narin kami sa isat isa, naging mag kaibigan naman kami, lagi silang nag-aayang mag swimming at deretso naman kami sa resort para kumain. Buti nalang at meron si Kelzie na kasama ko.
Nakilala kong si Brix ang pinaka seryoso sa kanilang magpipinsan, si Christan ang joker at mahilig sa babae, mabait naman si Mac at friendly din. Si Mac ata ang pinaka normal sa kanilang magpipinsan.
Kahit lagi akong ginugulat ni Brix, palagi ko naman siyang nakikita sa favorite spot ko tuwing nag babasa or nagsusulat ng kanta. Minsan tahimik siya at nagswiswimming lang, pero madalas nakekealam sa mga ginagawa ko. Inaasar niya pa akong hindi daw marunong mag gitara kaya tinuturuan niya ako. Mabait din pala siya.
“Oo na ikaw na ang magaling!” pagmamaktol ko habang tinuturo ang ilang mahihirap na chords, may tip din siyang binibigay para mas madali ko ito isaulo.
“Haha I just find it cute that a girl like you wants to play a guitar.” natigilan naman ako sa sinabi niya.
“Don’t get me wrong haha. Even my ex, she's cool but I did'nt see her learning that thing.”
“Eh sa hindi naman ako yung ex mo. Magkakaiba naman kasi ang hilig natin.”
“Yeah haha, she said that guitar is for men only so that, women can easily fall for them. Dagdag points daw sa kanila hahaha.” natatawang niyang sabi.
Well atleast masaya siya sa memories ng ex niya no?
Saturday at nandito kami ulit kami ngayon sa beach, syempre swimming nanaman. Mukha kaming mga bata kung naglalaro kami ng habulan sa tubig. Marunong kaming lahat sa swimming kaya walang ma a-out of place twing naglalaro kami ng habulan.
“Bat antagal ni Brixton?” tanong ni Mac. Mukhang napagod siya sa swimming.
“Ayan na pala siya oh?” sabi ni Tan kaya napalingon ako. Pero natigilan ako sa kasama niya.
“O-M-O... Hoy ang chaka mo Aizle, bat di mo sinasabing may gf pala ang poging iyon?!” sabi ni Kelzie pero hindi ko rin alam na may gf pala siya.
Kahapon, natopic lang namin yung ex niya, ngayon may gf na pala siya.
Sinalubong sila ng mga pinsan niya kaya sumunod naman kami. Nagpakilala ang babae na si Leigh. Maganda siya, maputi, mahaba ang kulot na buhok at mas matangkad sa akin.
“Yeah I'm staying here too for 2 months I guess?” kwento ni Leigh habang kumakain na kami.
“Well, I didn't know you're together haha.” sabi ni Tan.
“It’s okay.” nakangiting usal ni Leigh.
Mukhang mabait naman siya. Para siyang isang model. Napakaganda niya.
Ganon din ang nangyari sa mga sumunod na araw. Lagi naming nakakasama si Leigh at mukhang okay naman siya.
Gusto ko lang mapag-isa ngayon. Nalulungkot ako at hindi ko alam ang nararamdaman. Namimiss ko na yata sila mommy and dad sa Manila. Kailan kaya ako uuwi? Ano kayang ginagawa nila sa bahay?
“Ang lalim naman ng iniisip mo?” literal na napatayo ako sa gulat. Hawak ko ang dibdib ko at lumalakas ang pintig ng puso ko.
“Huwag ka ngang manggulat! May iniisip ako.” nairita kong sabi kay Brix.
“Bakit lagi kang napapatalon kapag nagsasalita ako?” kunot noo niyang tanong. Nilagpasan niya ako at umupo siya sa harap ng upuan ko.
“Para ka kasing kabute, kung saan saan sumulpot. At teka? Bat ba nandito ka nanaman?” tanong ko sakanya at umupo na rin ako.
“Nagpapahangin lang. Is this your favorite spot?” tanong niya sakin habang nakatingin sa paligid, sinusuri niya ang kabuuan ng spot na ito.
“Oo, dito nga. Hindi na ako magtataka kung aagawin mo etong spot na ito.” sabi ko sabay nguso. Paano kaya kung ipapatanggal niya ang spot na ito kapag siya na ang magmamanage dito? Sayang naman to, magandang spot pa naman.
“Bat mo naman naisip na aagawin ko to?” seryoso niyang tanong.
“Malay ko ba kung anong nasa isip mo.”
“Kung ganon ang pag iisip ko, sana matagal ka ng wala dito.” seryoso pa ring dagdag niya.
“Sabihin mo lang kung ayaw mo akong makita dito, ako na ang mag a-adjust para may space kayo ng GF mo.” seryoso ding sabi ko.
“Tch, you overthink too much.” yun lang sinabi niya pero nakatitig parin siya sa mga mata ko.
Nang sumunod na gabi ay magkasama nanamang nag dinner ang mga grandparents namin. Wala na sina tito Marco at tita Genie. Kasama namin ang tatlong magpinsan at meron din si Leigh. Naipakilala na rin ni Leigh ang sarili niya bilang GF ni Brix. Tahimik lang si Brix at mukhang seryoso. Natuwa naman ang mga lola't lolo namin.
“That’s why we don't do arrange marriage. We want our son and grandson to choose whom they love.” sabi ni lola Thiana.
“Yeah, we really know how hard to be in that situation. Kung pwede nga lang sana namin gawin, baka inarrange na namin sina Aizle at Bri--”
Hindi na natapos ni lola ang sasabihin sapagkat nabilaukan na ako. Binigyan ako ng tubig ni Mac kaya okay naman na ako ngayon.
“What can you say about it apo?” nakangising tanong ni lolo.
Pero kibit balikat lang ang naisagot ni Brix, tumingin siya sa akin pero nilipat ang paningin sa pagkain noong nagsalita si Leigh.
“Buti nalang po hindi niyo ginawa lola, HAHAHA mahal na mahal ko pa naman ang apo niyo.” sabi ni Leigh sabay yakap sa balikat ni Brix. Tsss nakakasuka.
Abot tenga ang ngiti ni Leigh, panay naman ang ngisi ni Brix. Siguro kinikilig to? Eww.
Hanggang sa nagtama ang tingin namin ni Brix. Sandali siyang napatigil sa pagsubo at kunot noo siyang tumitig sa akin.
Kumalabog nanaman ang puso ko. Sobrang lakas ang tibok nito. Kinakabahan nanaman ba ako?
“Eat your food, apo. Hindi pwedeng magtitigan nalang kayong dalawa diyan.” don lang ako natauhan sa sinabi ni lola.
Gosh! This can't be. Can't be.
Pagkatapos kong kumain ay nagpahangin ako sa labas. Sa favorite spot ko.
“Argh! How to do it again?” nalilito kong sinundan ang tinuturo ng pinapanood ko.
“Ang hirap talaga!”
Noong sumunod na mga araw, binuhos ko ang oras sa pagprapractice ng gitara. I really want to play this. Every dinner ay sumasabay kami sa mga Gomez kaya halos araw araw kong nakikita yung magpipinsan. Minsan wala si Leigh.
Ngayon, naisipan nanaman nila Mac mag swimming kaya sumama naman kami ni Kelzie.
“How does it feels na close ang grandparents niyo ni Brixton?” nakangising tanong ni Leigh sa akin. Naiwan kasi kaming dalawa dito sa cottage.
“Wala naman.” sagot ko at tumayo na ako. Gusto ko ng magswimming.
Pumunta ako kay Kelzie na nakikipaghabulan kay Christan. Nag back floating ako at tumingala sa magandang kalangitan. Nirerelax ko ang aking isip at damdamin.
Ano naman kung close ang grandparents namin? Ikaw naman ang gusto niya, Leigh. Swerte mo nga at nagustuhan ka ng isang Gomez. Wala na akong laban doon. Talo na ako.
Eh ano naman kung talo ako? Atleast close naman ako kila lolo at lola Thiana.
Bakit ko nga ba naiisip ’to?
PART 2
We got invited by Gomez to eat dinner with them again. Syempre kasama ko ngayon si Kelzie at ang magpipinsang Gomez. Ganon din si Leigh.
“Nakakatuwa talaga kayong tignan, Apo. Bagay kayo ni Leigh hehe.” sabi ni lola Thiana kay Brix.
“Ah ang totoo po niy-” naputol ang sasabihin ni Brix noong tumawa si Leigh.
”Nakakatuwa naman po at support kayo sa relationship namin lola.” nakangiting sabi ni Leigh kila lola.
“Totoo ngang Island of love and hope itong Norga, hahaha.” natatawang wika ni Lolo Frank, ang lolo ko.
“Hmm, ikaw naman mahal hahaha.” natatawa na rin si lola, ganun na rin sila lolo at lola Gomez.
“Mukhang ganon na nga lolo Frank hahaha.” natatawa naman si Mac sabay tingin sa akin, at ngumiti! Nilingon siya ni Brix at nilingon niya rin ako. Tumitig sa akin si Brix...
3
2
1
3 seconds at bumitaw siya sa pagkakatitig.
Naiinis ako sa tuwing kumakalabog ang puso ko. I don't like its beat! Masyado akong kinakabahan sa tuwing magtatama ang paningin namin.
Sa kanya lang naman ako nagugulat at kinakabahan ng ganito. I don't oftenly feel this way.
“P-paano naman po naging Island of love and hope, lolo?” kinakabahan kong tanong.
Ang sabi nila, maganda daw ang kwento ng love story nila lolo at lola Gomez dito sa Norga Island. Ngayon ko lang ito narinig at ngayon ko palang malalaman ang kwento nila.
“Sige na amiga hahaha, ikaw na ang magkwento, tutal alam mo naman lahat hahaha.” natatawa si lola Thiana. Mukhang kinikilig pa. Panay din ang ngiti ni lolo Philip.
Tumitig ako kay Brix, may kung ano akong naramdaman. Bigla akong nalungkot. Hindi ko talaga alam kong bakit ganito nalang ang epekto sakin ng isang Brixton Gomez.
I never felt this way.
Ilang sandali ay nag kwento na si lola...
“Thiana is living in Norga Island. He fell in love with a guy named Philip Gomez. She got to know Philip and she became friends with him. Same as Philip he fell inlove with Thiana too. They became couples for 3 years, they are happily inlove with each other. Philip lives in London but he is filipino citizen. When they are together with Thiana, he moved in Norga Island and rented a house just to be near with Thiana. But even they love each other, it seems like they won't end up together. They broke up because of Philip's family tight tradition which is arraged marriage.
Philip bound to marry the beautiful girl from his family friend. No one in his family disobeyed this kind of marriage. He did his best to pursue his parents not to continue the wedding because he love Thiana, and not the girl from his family friend. But he was the only one who didn't agree to the wedding. The beautiful girl and his family friend agreed to the wedding. Even the girl too since she have a feelings with Philip.
But because Philip's love for Thiana is stronger, he left everything in London, their family business which his own company soon, his family and friends, he left all in London. He did everything to run away from marriage. He became successful for that plan, he went to Norga Island again and pursue Thiana's heart again. But the girl, his supposed fiance followed him. The girl witness how Philip love Thiana, they noticed how they love each other. While following Philip, he met a hot and kind guy, she became friends with him until she fell in love with him. She forgot Philip and she's happy and inlove with the beautiful kind guy. She noticed that the guy is close friend to Thiana, so it became small world to Thiana and Philip. The girl already accepted the truth that there's no wedding to happen since they both inlove with their someone.
The girl went back to London and pursued her parents not to continue the wedding. She tried hard but their parents didn't agree. Philip decided to go in London again, but with Thiana this time. The girl, help Philip to broke the wedding, they both talk to their parents. In one dinner, their parents accepted their decision but in one condition: No company and no money for them. Philip accepted it, same with the girl, they both have their own money. Their parents are both angry and disappointed with them.
Philip and Thiana went back to Norga Island again and they started a new life together again, they got married. The girl, or the ex fiance of Philip flew back to Norga Island. She came back to the guy she love. They became together too even in the simple life. They started business together until it slowly growing, they married each other and have a successful business after a years.”
Woaahhh! Manghang mangha ako sa kwento love story nila lolo at lola Gomez. Walang makakahadlang sa pag iibigan nila. Napakahirap na sitwasyon ang kinaharap nila. Gulat na gulat parin ang magpipinsan sa kwento.
Hanga din ako sa girl, yung fiance sana ni lola Philip. Nagustuhan niya si lolo Philip pero unexpectedly, she fell in love with another hot and kind guy. Woaah! Ngayon lang ako nakarinig ng ganitong kwento.
Asan na kaya yung girl and guy?
“Wow, I'm so amazed!” si Mac.
“I’m so speechless, wow.” halatang namamangha din si Christan.
“But where's the girl and guy now Lola Feliz?” tanong ni Brix kay lola.
Ngumiti naman si lola.
“Philip and Thiana business are successfully grew. They are the owner of two 5 Star Hotel and Resorts at Norga Island. Because of this two couple, Norga Island became famous. And tourist are enjoying the stay in Norga Island, the island of love and hope.” pagpapatuloy ni lola Feliz.
Nakangiti parin si lola, animong kinikilig sa love story nila lola Thiana at lolo Philip.
Ngumiti si Lola Thiana.
“The girl and the guy in the story are now owned the owner of the famous amusement park in Norga Island.” - sabi ni lola Thiana.
Laglag ang panga ko gulat! Wow! So si lola Feliz at lola Philip ang nakatakdang ikasal noon. But they fell inlove with another. Wow!
Ang tibay din ng friendship nila, wow!
“Wow, Norga Island is really the island of hope and love.” nakangiting sabi ni Leigh sabay tingin kay Brix na nakatuon lamang ang tingin sa pagkain niya. Hindi man lang niya pinansin si Leigh.
Sabagay kung sa kanila, Island of love and hope ito. Pero sa akin... Mukhang wala na akong pag asa pa sa kanya.
Gosh! Ano tong iniisip ko!
“Parang kami ni Brix si lola Thiana at lolo Philip.” kinikilig na sabi ni Leigh at yumakap pa siya sa braso ni Brix!
“Leigh alam mo naman kung...”
“Excuse me.” hindi ko na itinuloy na pinakinggan ang sinasabi ni Brix. Nagtungo ako sa CR at kinalma ang sarili ko.
Ano yun? Sasabihin niyang..
‘Leigh, alam mo namang mahal na mahal kita.’ ganun ba yun?
Pagdating ko doon, kinausap ko ang sarili ko sa salamin.
This can't be, Aizle.
This can't be, self.
Pigilan mo kung anong nararamdaman mo, I know It's not normal na.
Aaminin kong...
Nasasaktan akong makita silang dalawa.
Kung paano nagparaya si lola, ganun din ang gagawin ko. I must stop this unrequited feeling.
Omaygosh. This can't be.
Iyon ang patuloy na sinasabi ng utak ko, but my heart don't want to cooperate. It's beating so fast and laud.
Naramdaman ko nalang ang pag init ng aking nga mata. At doon ko nakitang ang pagbuhos ng aking mga luha.
I fell in love with someone who love someone else.
Hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko’y napakatagal ko na itong naramdaman na may gusto ako sa kanya, kahit ilang buwan lang naman kaming nagkakilala.
Hindi ko napigilan ang aking paghikbi. Nahihiya na ako sa mga taong pumapasok dito.
Nandito ako ngayon sa favorite spot ko. Buti dito at walang tao, ako lang naman ang nakakaalam dito bukod kay Brix na impossible namang pupunta dito kasi inaasikaso niya ang kanyang GF.
“Napakababaw ko, pala haha.” itinatawa ko nalang ang mabibigat na nararamdaman ko.
“This can't be.” patuloy ko paring kinukumbinsi ang sarili ko.
Patuloy din ang malakas na kalabog ng dibdib ko. I hate this feelings. I didn't felt this before. Dito lang sa Norga Island ko nararamdaman ang malakas na kalabog ng dibdib ko.
Buti nalang at may tuwalya pa ako ngayon. Eto ata talaga ang kailangan ko, trinatraydor ako ng aking mga luha.
Kinalma ko ang sarili ko at pinipigilan ang pag hikbi. Pero traydor, hindi ko magawa.
“I’m right, you're here.” dali dali akong nagpunas ng luha at hirap na hirap kong pinigilan ang paghikbi.
Anong ginagawa ng isang Brixton dito?
“What happened to you?” nag aalalang tanong niya.
Bakit pa siya nandito. Umiwas nga ako kasi hindi ko kayang makita silang dalawa, at lalong hindi ko kayang marinig mula sa kanya na sabihin sa harap ko na mahal niya si Leigh.
“Leave me alone, please.” ramdam ko ang panginginig ng boses ko.
Please leave me alone, Brix. Give me time to ease the pain inside me.
“I won't leave. Why are you crying?” nag aalalang tanong niya sa likuran ko. Hindi ko alam kong anong itsura niya ngayon kasi nakaupo ako at nakatalikod sa kanya.
Umiling ako bilang sagot.
“Please, tell me what's bothering you, Aizle.”
Umiling ulit ako, natatakot akong marinig niya akong humikbi.
“I won't leave, until you talk to me.” seryoso sabi niya.
“Pwede ba!” doon ko lang siya nilingon, wala na akong pakealam kahit makita niya akong luhaan. Kahit gabi na, kitang kita ko paring ang seryosong mga mata niya dahil sa maliwanag na mga ilaw.
“Leave. Please.“ yun lang ang sinabi ko, ramdam ko nanaman ang kalabog ng puso ko.
“Aizle, tell me. What's wrong?” humakbang siya palapit sa akin at hinawakan ako sa balikat. He wiped my tears with his thumb. I was stunned!
Mas lalo lamang akong naluha.
“Please, Brix. Bumalik ka na kay Leig-
“No. I want to hear why are you crying. Are you hurt? Where?”
Natawa nalang ako sa tanong niya.
“Im hurt, yes! But it doesn't matter to you. Only me can ease this pain so lea-”
Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay niyakap na niya ako.
Traydor na mga luha! Hindi ko napigilan ang paghikbi. Basang basa na ang damit ni Brix ngayon.
“Im hurt too. I'm hurt seeing you hurt, Aizle.”
His warm hug is melting my heart.
Kumalas ako sa pagkakayap sa kanya.
“Don’t come near me again, I don't want to fall again. Help me to ease this pain. Now, leav-”
Pero sa halip na matapos ang sasabihin ko ay dahan dahan niya akong niyakap. Mahigpit na yakap mula sa kanya.
“Don’t try to push me again, because I'm not leaving. I’ll stay with yo-”
Bago pa niya matapos ay nasampal ko na siya.
“Dont talk to me like that, may gf ka Brix. My gosh! Don't think about me, kaya ko ang sarili ko!”
Matapos ang gabing iyon ay nagkulong ako sa kwarto. Dalawang araw na hindi ako sumama sa sa pag bo-boating nila Kelzie kasama ang mga Gomez cousins. Tinatanong ako nila lola pero hindi ko sila sinasagot.
Pero dahil makulit si Kelzie ay dinadalaw niya ako sa bahay.
“What happened to you! Kaloka ka Aizle!”
Pagmamaktol ni Kelzie
“Akala ko kung ano ng nangyari sayo. Hmp!”
“Eh bakit? Haha busy lang naman ako, tumulong ako kila lola.“ totoong tumutulong naman ako sa amusement park.
“Ang boring naman kapag wala ka. Hmm. Maganda namang kasama ang magpipinsan lalo na si Christan. Pero na oop ako kapag boys talk na.”
“Haha, ayos lang yan. Nandon naman si Leigh.” natatawa kunwaring sagot ko. Pero natigilan siya at nandilim ang paningin.
“Oh anyare sayo?“ tanong ko.
“Talagang wala kang alam huh? Hindi ka ba talaga updated?”
“Ano? Bakit ano bang nangyari? Nagpakasal na ba sila ni Brix?“
“Baliw!” sigaw niya at niyugyog ang braso ko. “Eh feelingera naman pala ang ex ni Brix na iyon, Aizle!“
“Ha? Bakit mo naman nasabi yan?“
“Ayan! Walk out pa kasi noong dinner e no? Hindi mo talaga alam ang nangyari kasi nawala ka nalang bigla! Hayst.” naiinis pang sabi niya.
“Eh ang feeling na Leigh, ex lang pala ni Brix! Hinayaan siya ni Brix na maging malapit ulit sa kanya kasi as a friend nalang talaga ang maibibigay ni Brix, bukod kasi sa mag ex sila e childhood friends pa sila. Pero dahil sumobra na si Leigh, napilitan si Brix na ipahiya siya sa dinner na iyon. Inamin ni Brixton na walang namamagitan sa kanila bukod sa pagkakaibigan.”
Laglag ang panga ko sa narinig ko! Kung hindi lang ako nag emote sa gabing iyon ay maaring nasaksihan ko pa sila.
“Hay naku Aizle, kung nakita mo lang, galit na galit si Brix noon. Sumunod siyang nag walk out at hindi na bumalik pa. Si Christan pa tuloy ang ang naghatid sa feelingerang Leigh na yun! Psh!“
“At nalalakoka hahaha, sabi ni Brix: Stop that illusion Leigh, we both know I like someone else!“ pang gagaya ni Kelzie sa tono ng pananalita ni Brix
Wait? Brix like someone else?
“Yes hijo, sundan mo lang sila sa loob. Nandon siya kasama si Kelzie.“
What!
“Ay nakakaloka ha, yung topic natin papunta dito?“ natatawang sabi Kelzie habang ako, natataranta!
“Oh Brix ikaw pala? Naku sayang naman, aalis na ako. Usap muna kayo ha, sige Aizle may aasikasuhin pa talaga ako sa bahay?“ sabay kindat sa niya sa akin.
Ano ba kasing ginagawa ni Brix dito?
“Ano?“ hinarap ko siya at inirapan. Nahihiya pa kasi ako sa pag eemote ko noong nakaraan.
“Wala, I just want to check you. How are you?”
“Okay lang, just forget what you saw the other day.“ sagot ko.
Ngumisi siya “No, I can't forget that.” nakangiti pang sabi niya.
“Ano bang problema mo? Umalis ka na lang kaya?“ inakay ko siya palabas ng pinto pero natawa lang siya.
“You’re so cute. Hahaha.” ngayon ko lang nanaman narinig yang tawa niya pero sa tuwing inaasar lang naman ako.
“Apo, don't be rude to Brixton. He's just being kind.” ani ni lola habang papasok sa pinto.
“Come here Brix, hijo, saluhan mo kaming mag lunch.” sabi ni lola at nauna na siya sa kusina.
Nilingon ko nanaman si Brix at nakangiti siyang nakatingin sa akin. Nakakakilig yang ngiting yan hehe. Shemai! Baka namumula na ako dito.
“Excuse me?“ nakangiting aniya sa akin, tinignan niya ang kamay kong nakahawak parin sa braso niya. Dali dali ko itong tinanggal.
Pagkatanggal ko ay umakbay siya sa akin at ginulo ang buhok ko!
Ano ba itong pinaparamdam sa akin ng isang Brixton Gomez!
”Let’s go. Tinatawag na tayo ni Lola.” aniya at inakay akong papunta sa kusina.
Habang nasa hapag ay pinag usapan nila ang pag wawalkout ko noong nakaraang dinner. Hindi naman ako sumasagot, pero nagkampihan si lolo at Brix at sinasabi nilang nag seselos daw ako, which is true naman.
“Are you really jealous?” pabulong na tanong ni Brix habang kumakain ako.
Hindi nalang ako nagsalita at nagpatuloy nalang ako sa pagsubo. Tch!
“Iniiwasan mo ba ako?” tanong ni Brix. Kahapon pa kasi umiiwas sa kanya, mula noong pinaratangan niya akong ‘jealous’ daw, syempre hindi kaya ng pride kong aminin kahit halata naman ata? Tch!
“Kung iniiwasan kita, hindi na ako pupunta dito.” sabi ko agad. “At tsaka, nandito lang naman ako kasi request ni Mac, uuwi na kasi siya bukas diba?”
“Hmm, kung hindi pa pala siya uuwi, hindi ka pa pupunta rito... Uhm, nevermind, i know siya ang pinunta mo dito, enjoy!” aniya at naglakad na palayo.
Hmm ewan ko sa kanya.
Nasa beach kami ngayon, malapit sa hotel. Bonfire with family and friends ang nangyari. Masayang nag kwekwentuhan ang mga matatanda. Habang kami ay nagtatawanan sa biro ni Christan, inaasar kasi niya si Kelzie at ang pikon kong kaibigan ay walang nagawa kundi maasar haha. They look so cute.
“I did'nt know, Christan is that bully?” natatawang sambit ko kay Mac, na ngayon ay tinatawanan din ang dalawa.
“Hahaha sinabi mo pa! Pikon na rin si Kelzie, tignan mo mamaya mag hahabulan na yang mga yan hahaha.” nakitawa na rin ako.
Marami kaming napagkwentuhan ni Mac Roilan, he told me about crazy things he did and I laughed at that. Nailibot ko ang paningin at nakita ko si Brix, mag isa at naka upo sa buhanginan, he’s with his drinks.
“You looks lonely and betrayed haha.” pang aasar ko sa kanya.
“Yes I am.” sabi niya, at natatawang tumingin sa payapang tubig dagat.
“Why you're here? You're with Mac instead.” dagdag pa niya, ako nga dapat mag tanong niyan e.
“Nakisalo na siya kila lola, tara na don baka hinihintay na tayo!” pang aaya ko pero hindi pa rin siya tumayo. Aalis na sana ako pero...
“Aizle you need to know something...” napatigil ako at tumingin sa kanya, ang mga mata niya’y nakatuon sa dalampasigan, ilang sandali ay tumingala siya saakin at tumitig sa mata!
But instead of saying a words, he stood up without toring his eyes in mine.
Lalong kumalabog ang dibdib ko sa kaba at pag kagulat.
Unti unti siyang naglakad palapit sa akin hanggang sa sapat na ang distansiya naming dalawa.
My heart’s beating faster and louder this time.
Seeing him infront of me made me feel nervous that only him can affect me that way.
“You...” putol ang sinabi niya dahil mukhang disappointed siya sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit.
“You really did'nt recognized me, huh?” mas kumunot ang noo ko sa pagtataka.
“Recognize? Bakit nag meet na ba tayo noon?” nagtataka kong tanong.
Pero sa halip na sagutin ay hinila niya ako’t tumama ang mukha ko sa dibdib niya, niyakap niya ako at ilang sandali pa bago nagsalita.
“Amusement Park. Seesaw. Beats. Norga Island. 13 years ago.”
Nanlaki ang mga mata ko at napatakip sa bibig ko.
Isang tao lang ang naalala ko sa keywords na yan.
No! It can’t be him!
At kung siya, dapat narecognize ko agad!
“Wait...” biglang tumulo ang luho ko nang naalala kong paano nagsimula ang lahat. “You are? Toni?” nanginging ang boses ko.
“Yes, obviously baby. Brixton Neil Gomez, how come you did'nt recognize me, huh. Im sorry I lied.”
Lied?
Nanatili akong luhaan hahang nakayakap siya sa akin. Pero unti unti akong nasaktan noong naalala ang lahat.
“You really hurt me that much, that you even forgot about me, and worst, you did'nt recognized huh?” pahina ng pahina ang kanyang boses.
PART 3~
I was so stunned, and I can't move as I heard him telling this shocking words to me.
FLASHBACK~~~
Bata pa lang ako ay inaalagaan na ako nila lola. I'm not mommy’s girl nor daddy’s girl, even I'm just the only daugther of my parents, I'm not spoiled by them. My parents are always busy in their medical missions, they are both doctors. I was seven and they were always out of town and that was the reason why they let me live with my grandparents.
I felt lonely, but lola tried her best to entertain me. One day I decided to walk alone at their amusement park, I envy those with companion while I'm here, alone.
“Hey kid, are you alone too?” narinig ko ang boses sa likuran. Nilingon ko ito at tinanguan ko.
Sandali itong natigil at ngumiti “Nice, Im alone too. Play with me. I want to try the seesaw.” He called me kid while he looks like kid too. And funny how he act matured while he's young too.
That kid was my became my companion. He went to the amusement park every Sunday, Monday, and Saturday every summer. But we also got separated when he went home to London. But when I was 11 he came back and played with me again. He was tall and handsome man, payat pa siya noon.
The closer we were together, the higher the chances I fell inlove with him. Ang bata kong puso tumibok sa isang payat na matangkad. I was 11 and he was 12. I was 12 and henwas 13 when I admitted my puppy love to him.
“You’re playing with me, Right Zel?” natatawang sabi niya dahilan para matahimik ako sa kahihiyan. I should’nt tell him this.
“Kid...” I stopped him from calling that.
“I said don't call me kid! And you..” turo ko sa kanya. “You act matured but you're just one year older that me!” nalaglag ang panga nito at mukhang naguguluhan sa sinasabi ko.
Me too. I don't understand why I'm angry towards him.
“Okay! I don't understand why my heart beats so fast and laud everytime Im with you.”
“Let me hear it's beat then?” he slowly walked to me and hug me tight, feeling mt heartbeats.
“Baby, your heart is not beating fine. This isn't right okay? Bata ka pa. Don't like me cause my heart’s beat for someone else. I'm sorry.” pagkatapos niyang bitawan ang salitang iyon bumitaw na rin siya sa pagkayakap.
“Now, go and play inside your house. I'm going.” ngumiti siya at ginulo ang buhok ko. Tumakbo ako deretso sa loob ng kwarto habang inaalala ang kahihiyang ginawa ko. Naramdaman ko nalang ang pagbagsak ng aking mga luha hanggang sa patuloy na ang aking pag hikbi.
‘My innocent heart’s crying for someone who love someone else.’
BEATS hahaha, ang bata kong puso, kawawa naman.
I never seen him after that night of confessions.
Years passed and I left Norga too to study in Manila. There I met Jake, we both fall in love but later on, we both fall out, so we decided to break up. I focused on my studies and I'm happy I graduated with my course in Business Management.
END OF FLASHBACK~~
Aaminin kong nasaktan ako dahil hindi ko siya agad nakilala. I remember him as Toni, ang payat na matangkad kong kaibigan, who broke my little heart.
He’s voice was soft, which is different now. Ang mga mata’y napakaseryoso, ang tindig niya’y napakapormal at lalaking lalaki siya. Hindi na siya ang dating payat kasi lumaki na ang katawan niya. Hindi na rin siya tawa palabiro gaya ng dati.
Gwapo siya noon, pero hindi ko inakalang mas gwa-gwapo pa siya ngayon.
But wait...Hindi ako bingi noon no?!
Sinapak ko ang braso niyang nakayakap parin sa akin.
“You better stop playing with me this time Brixton Neil.” sabi ko habang sinasapak parin siya.
“No. I'm not playing.” Hinagod niya ang likuran ko at tinatahan ako sa pag hikbi. “I was afraid to confess my love for you at our early ages, Aizle. We both know that it's puppy love but even it is, I still like you. You don't know how happy I was when you confessed to me.” tumgil siya at kumalas sa pagkayakap. He look at me in the eyes. “But I know we were young, and the right decision I made is to stay away. For you to become succesful in studying. And for me finish my studies.”
Napatitig din ako sa kanya..
“When I heard you got a boyfriend at the age of 15? If Im not mistaken. There I doubt my decision. If staying away from you means this hurt, then I accepted it since I saw how happy you were with him.” nanlaki ang mga mata ko gulat.
He stalked me in those years?
Magsasalita na nasa ako kaso nagpatuloy siya.
“I felt jealous. Nagsisi nga akong hindi ko sinabi ang tunay na nararamdaman.” napangisi siya.
“I dated some girls and I tried to forget you, but this silly heart can't.” bahagya siyang natawa habang nagkwekwento. “Years passed and now I'm here at Norga Island to atleast feel the memories we had back then. Pero sinong mag aakalang sa ganoong sitwasyon tayo nagkatagpo.” I guess he's pertaining to our first meeting in my favorite spot.
Marami pa siyang sinasabi habang umabot kami ng isa’t kalahating oras sa kwentuhan.
“Now tell me, Zel. Did you got jealous with Leigh? I want to know if you have atleast feelings towards me.” nanghihina ang boses niya.
Napatango nalang ako, ngumiti siya sa akin.
“Don’t worry, she's just my friend now.” ngumiti ulit siya sa akin “I want to court you, Aizle. Can I?” sumeryoso ang kaniyang mata habang nakatingin sa akin.
“After you hurt me years ago? Manliligaw ka sakin?” tanong ko at natawa naman siya.
“Sorry it was’nt my intention.” humalukipkip siya “You hurt me too, you did'nt recognize me.” nakabusangot na niyang sabi.
“Eh sa mas lalo kang nag matured. Gwapo na noon pero mas gwap-” natigil ako sa sinasabi ko at lumingon sa kanya, nakangisi siya! “Huwag na nga! Lumalaki ang ulo mo!” umirap ako.
“Syempre ikaw ba naman ang pumuri diba, hehe.” he smirk. Tch.
Days, weeks, and months passed. I let Brixton Neil to court me, he’s also courting my grandparents and my parents too. Kahit gustong gusto naman nila lolo and lola si Brix, nag effort parin siya sa panliligaw.
I'm happy to see him achieving his goals too. Siya na ang nag mamanage sa Gomez Hotels and Resorts. Marami ang nagbago at mas nakilala ang Gomez Hotel sa ibat ibang panig ng Pilipinas. Nagsasanay palang ako sa pagmamanage ng Amusement Park nila lola, and I'm glad that this business is also rising.
Mas nakilala din ang Norga Island dahil sa mga Gomez at Domiguez at ang kanilang mga business partners sa lugar na ito. They assured that tourists will surely love their stay here in Norga Island because of new services offers, tourists spots, hotels and anything that tourists will find can be find here.
Nakakatuwa lang dahil kahit na medyo busy na si Brix ngayon ay may oras parin siya sa akin. Hindi naman sa hinihingi ko ang oras niya ha. Natutuwa ako sa efforts niyang manligaw, minsan dumadalaw sa bahay at ngaluluto ng dinner para sa amin nila lolo and lola kahit hindi naman sana kailangan. Madalas niya akong turuan sa pagmamanage ng business nila lola. Aaminin kong succesful siya sa pagtururo.
“Natutuwa ako sa inyong dalawa, hija and hijo. Sana patuloy niyong gawin kung ano ang tama.
I'm glad you both doing great in managing our business.” nakangiting sabi ni lolo Philip.
Ngayon lang nanaman kami nagkasama sa dinner dahil sa kanya kanyang pagkakabalahan.
“Thank you po lolo, it's because Brix is helping me in managing my grandparents’ business.” sabi ko sabay ngiti kay Brix.
“It is because you're a fast learner, Aizle Hailey. I'm proud of you.” malapad na ngiti ang binigay niya sa akin.
“Well thanks but, you're a big help hehe.”
“Ofcourse, He is Apo! Inspired ka eh hahaha.” natatawang sambit ni lolo habang nakatingin sa akin natawa nalang din ako.
“Naku. Mas inlove ata ang Apo namin Feliz hahaha. Akalain mong tumatawa siyang mag isa sa opisina niya. I thought he is sleeping but namimilipit ata sa kilig hahaha.” natatawa ako sa kwento ni lolo Philip “Kapag breakfast namann malapad ang ngiti niya. Hindi naman siya ganyan kasaya noon hahaha.” napangiti ako sabay sulyap kay Brix, umakbay naman siya sa akin. At nagtaas ng kilay haha buking.
“Kala mo naman sinagot na HAHAHAHA” nakitawa ako kay lola Thiana dahil hindi ko napigilan. Actually I have my plan but ofcourse I want to piss him off first.
“But lola, Jake, my ex boyfriend wants to court me again.” napanguso kong sabi kay lola Thiana.
“Edi let him court yo-”
“Lola?” ayan na salubong nanaman ang kilay ni Brix haha “No, Don't let that boy court you.”
“Why not Apo?” natatawa na si lola Thiana. “Besides, pareho lang naman kayong manliligaw kay Aizle. Then it's up to Aizle who she will choose.”
Natatawa ako kila lola at Brix. I find it cute kapag nakikita kong salubong ang kilay niya. I think he's a bit mad.
“Hmm it's okay, let him Aizle.” nakangisi na siya ngayon. “I’ll make sure he’ll back off anyway hahaha.” tch.
Sige na, over confident talaga siya e haha.
“Tch. Manliligaw yun? Hindi ka nga dinadalaw dito sa Norga e!” nandito kami ngayon sa favorite spot ko, kung saan kami unang nagkita after 13 years.
“Hahaha, e dadalawa naman siy-”
“Huh! Hindi. I won’t accept him in my hotel.”
“Sa bahay nila lol-
“Okay I’ll accept him in my hotel, just don't let that boy stay in your grandparents’ mansion.”
“HAHAHAH nagseselos ka ba?” natatawa kong tanong.
“Tsk!”
“Dont be jealous hahaha.”
“Eh sinong magseselos, ex mo yun e. I once got jealous before when I heard you were together.” nakabusangot na siya ngayon. “I’m confident hehe, but I'm afraid a bit because he was your ex.”
“Tsk tsk, don't worry hindi naman ako pumayag na magpaligaw ulit sa kanya.” nakangiti kong sabi pero malungkot parin siya. “Dadalaw lang sila with our friends. They want to see the beauty of Norga Island.” nakangiti kong sabi.
“I actually want to say something to you.” I smiled sweetly.
Sumeryoso na ulit ang mukha niya, seems like he's being attentive to what I'm saying. Ganyan siya lagi sa akin, and I love it.
“Say it baby, I'm listening.” aniya habang nakatayo pa kaming dalawa.
Pinagmasdan ko ang magandang kapaligiran, ang mga puno, mga bulaklak, at ang magandang kalagitan.
Binaling mo sa kanya ang tingin at ngumiti.
“I love you, Brixton Neil. I'm letting you to be my boyfriend now.” kitang kita ko ang pagkabigla sa kanyang mga mata, hanggang sa unti unting sumilay ang kanyang napakagandang ngiti sa labi.
“What Aizle? Can you say it again. I want to hear it again hehe.”
“I love you and I'm letting you to be my boyfriend!”
Nagtatalon na siya sa tuwa.
“Yes!” nakangiti niyang sigaw na siyang nagpangiti rin sa akin.
My tears pooled in my eyes while I'm reminiscing every moment with him.
Kung paanong ang bata kong puso ay umibig sa kanya. Kung paano ako nasaktan, at kung paano ko siya ulit nagustuhan.
I never felt this happiness before. I know that it's the beginning of our story as couple and I know that there are many things ahead to encounter. But now, I am happy.
He slowly walked towards me, parang natigil ang pag ihip ng hangin, habang nasisilayan ko ang magandang ngiti sa kanyang labi. Ang kanyang magandang mata na nagsasabi kong paano ko siya napasaya sa ngayon.
Unti unting bumilis ang tibok ng puso ko habang palapit siya sa akin. He looked at me in my teary eyes, seryoso na siya ngayon. Hanggang sa dahan dahang hinila niya ako at niyakap.
Now I'm locked in his massive arms, feeling his warm hugs. My heart beats really fast.
Now I proved that Norga Island is the Island of hope and love. This island witnessed our grandparents’ love.
Isang lugar lang nakakapagpabilis ng tibok nito, isang tao lang nagparanas sa akin ang pagmamahal na ito...
And that's Brixton Neil Gomez.
“Why are you crying? Aren't you happy?” umiling ako.
“I’m happy, Brix. Saksi ang Islang ito kung gaano ako kasaya. I'm just emotional haha.”
“I’m so happy, baby. I love you Aizle Hailey Dominguez.”
“I love you too, Brixton Neil Gomez.”
“Hmm, you should. Haha. I want us to live here in Norga Island for good, after setting up our wedding.”
“Huh? Eh kasasagot lang kita a?”
“So? Doon din naman patungo yun. Once you let me dated you back then, I date to marry. And that's only you I want and love Aizle.”
“I want to grow old with you, and live our life here in Norga Island. I want US to end up like our grandparents.” napangiti akong nakinig sa kanya. Iyon din kasi ang gusto.
Sa sandaling ito, ramdam ko ang magkahalong saya, kilig at tuwang nararamdaman. Hinihiling kong sana hindi na matapos ang araw na ito. Sana ganito nalang kami palagi. Pero alam kong kahit lumipas ang araw na ito, mahal na mahal ko parin siya at masaya akong kasama siya.
| Title | Beats In Norga Island |
|---|---|
| Genre | fiction story, romance and life story |
| Cover Photo | Edited in Canva |
| Written by: | |
| Published: | 01/22/22 |
Author's Note:
Norga Island is just my fictional place, It doesn't exist here in Philippines. Anyway, thank you for reading this story. And sorry if you saw some typo and grammar errors.
If you're done reading this story, please know that I appreciate it so much. Thank you reader/readers.
•••