tulala't nakatingin sa kalawakan
ang mabituin na langit
na saki’y nagpapalaala sa ating nakaraan,
kung bakit ngayon pa naramdaman
ang pait
sa sulyap ng nakaraang di na mauulit.
napapaisip — paano ang pangakong binitawan?
ika’y muli sakin ba lalapit,
papatuyan na kahit sa kalayua’y di ako iniwan?
o di kaya’y naghilom na ang sakit?
dahil kung para sa’kin,
pangako, ang ating nakaraan pa rin.
paano kung tayo’y muling magtagpo?
kung ipapahintulot ng kalagayan at panahon.
paano na ang ikaw at ako?
siguro ika’y nauna nang nakaahon.
paano kung sa hindi inaasahang pagkakataon
makikita kita at masaya sa bagong karelasyon?
alam ko, tanggap ko, masakit man sa una,
alam kong ako’y walang karapatan
ang tanggapin at hayaan kang maging masaya
iyan na lamang ang aking magagawa.
ngunit paano, kung sa muling pagtatagpo
puso nati’y sa nakaraan pa rin?
babalikan ba ang nakaraang
nagdulot ng sakit?
sa iyo at alam mong ganon din sa’kin.
dahil kung para sa akin…
pipiliin kong ika’y maging masaya
kahit ika’y na sa piling na ng iba.
dahil kung tayo’y muling magtagpo…
sasabihin kong okay na ’ko,
kahit ang totoo’y nangungulila na sa yakap mo.
at kung sakali man na muling magtagpo…
dalangin ko na naghilom na ang sugat sa iyong puso,
aasahan ko ang mabuti
para sayo.
Kahit alam kong sa sarili ko’y
hindi na mabubuo ang puso
kung sa huli, walang ikaw at ako.