[jren/ejjjdnnn]
Sisimulan ko ang aking akda
Itatala ito sa pamamagitan ng tula
Ako’y isang makata
na di sanay mag-sulat ng tulang malaya
[ejjjdnnn]
Ang aking mga piyesa
At ang aking bawat talata
Ay palaging magkakatugma
At kahit minsan hindi naging malaya
[jren]
Ngunit nang dumating ka
Saksi ang kwaderno sa aking mesa
Kung paano isulat ang mga salita
Sa pamamagitan ng ibat-ibang tinta.
[amoraecelle]
Blangkong kwaderno't panulat ay ilalaan
Gayundin ang laman ng puso't isipan,
Pipilitin ilahad ang nararamdaman,
Sa pamamagitan nitong malayang sulatan.
[ejjjdnnn]
Malayang Sulatan
Kung saan ang lamang tula ay wala nang tugmaan
Ito'y hindi na gaya ng nakasanayan
At nagbago na ng tuluyan
[jren]
Mga tinta nang nakaraan
Akin na lang kakalimutan
Mga dating paksang itinala
Ititiklop, ilalagay na lang sa ilalalim ng kwadrong mesa.
[amoraecelle]
Hindi man ubos ang tinta
At kuwaderno'y may espasyo pa
Ngunit ang damdamin nating dalawa,
Ay hindi na tugma.
[jren]
Paalam sa mga dating tula,
Sa mga salitang ating pinagtugma.
[amoraecelle]
Na ngayo’y nauwi na sa pagiging malaya
Dahil gaya ng isang tulang malaya, ika’y akin nang pinapalaya.
[ejjjdnnn]
Tayo nga’y nasa iisang talata
ngunit tayo’y hindi na magkatugma.
.
.
.
.
.
.
_
🖋️ First poem collaboration with my cousin Eden and my sister .