Sa isang masikip, madilim at nakakatakot na eskinita, ako'y nalulula. Habang pahakbang paharap ang mga paa ay nanginginig ang mga tuhod. Nakakabingi ang boses ng mga tao. Tila ba bubuyog na palapit ng palapit. Napapaisip tuloy kung itutuloy pa ba ang paghakbang papunta sa dulo kahit hindi sigurado kong ano ang maaabutan sa liwanag na naaaninag.
In a congested, shady, and baleful alley, I was overwhelmed. My knees tremble as my feet continue to step forward. The voices of the people are deafening. It seemed like bees that were getting closer and closer. It makes me wonder if I will continue to step toward the end even though I am not sure what is out there at the end of this path.
Tila maraming mga mata ang nakamasid habang humahakbang ang mga paa. Hindi tiyak kung sino ba ang mga ito pero mararamdaman mo ang malakas at negatibong enerhiya mula sa kanila.
Nakakabingi ang boses ng mga tao. Mistulang naging musika na sa tenga ang patuloy na pagpuna ng iba. Anumang gawin, nakukubong pa rin ang mga salitang binibitawan ng iba dahil sa tayog ng pader. Takpan man ang mga tenga'y lulusot pa rin ang ilan. Pilitin mang hindi na lang pansinin pero sila'y humahanap ng paraan. Mahirap bang huwag pumakialam? O sadyang libangan na talaga nila ang bumuga ng bumuga ng mga naglalagablab na salita laban sa kapwa nila.
It seemed that many eyes were watching you as you continued to walk forward. Not sure who they are, but you can feel strong and negative energy from them.
The voices of the people are indeed deafening. The constant criticism of others seemed to be a piece of bad music to the ears. No matter what you do, the words that others say still reverberate because of the wall's height. Even if the ears are covered, some will still slip through. Try not to pay attention, but they find a way. Is it hard not to interfere? Or it's just a hobby for them to spew fiery words against others?
Oo't tila mga bubuyog na palapit ng palapit. Habang mas lumiliwanag and dulo ay saka dumadagsa ang mas marami pang bubuyog. Nakakasawang pakinggan at nakakaawang pagmasdan. Kailangan pa bang gawing ang ganoong paraan, para lang mapansin o hahanap ng maaaring dapuan? Maganda sana kung totoong bubuyog dahil pagagandahin nito ang kapaligiran kaysa sa nagmimistulang bubuyog na dadapo na lang sa kung saan-saan at maghahasik ng kasamaan.
Napapa-isip ka na ba tuloy kung hahakbang pa paharap, dahil sa rami nila'y nahihirapan ka nang maglakad? Tadtad na tadtad na ba ang buo mong katawan, hindi lang ang isipan, sa kung anong bagay na pinupuna nila? Oo nakakapanghina talaga pero ang pagsuko ay hindi dapat maitanim sa iyong bukabularyo.
Yes, they seemed like bees that are getting closer and closer. As the way gets brighter and brighter, more and more bees herd. It's hurtful to ears and pitiful to watch. Is it still necessary to do that way, just to get noticed or find a place to be proclaimed as someone who's over others? It would be nice if it was a real bee because it would make the environment better than a pretentious bee that would land everywhere and sow evil.
Do you ever wonder if you should still take a step forward because so many of them that are already pulling and slowing you down that you have difficulty walking? Is your whole body, not just your mind, torn apart by their criticisms? Yes, it is really depressing, but giving up should not be ingrained in your vocabulary.
Kagaya ng madilim na lagusan, mahirap sa una ang pagdaan dito. Punong-puno ng pagsubok at minsan pa'y matatapilok. Marami ding masasabi ang iba lalo na ang mga taong ayaw makakita ng progreso sa iyong buhay. Pero habang ika'y palapit ng palit sa dulo, huwag mawawalan ng pag-asa. Oo, nakakatakot kung ano ang madadatnan pero huwag munang problemahin ang hinaharap. Magpokus muna sa kasalukuyan dahil mas mahalagang malagpasan muna kung anong meron ngayon sapagkat makakatulong ito sa pagbuo sa ating sarili. Sa oras na marating natin ang dulo ng masikip, madlim at nakakatakot na eskinita, bubungad ang napakagandang tanawin.
Like a dark tunnel, going through it is difficult at first. Full of trials, and sometimes you get stumbled. Others have a lot to say, especially those who don't want to see you progress in life. But as you get closer and closer to the end, don't lose hope. Yes, it's scary what's to come but don't worry about the future. Focus on the present first because it is more important to overcome what we're presently struggling with because it will help build ourselves. Once we reach the end of the crowded, dark, scary alley, a wonderful sight opens up.
Pero lagi pa ring tandaan na kapag narating mo na ito, huwag pa ring kakalimutan na tumningin sa pinanggalingan. Marami mang bagay at tao ang magpapahirap sa atin sa pagkamit ng ating tagumpay, palagi pa ring tandaan na ang Panginoon ay palaging gumagawa ng milagro at nang marami pang bagay na magaganda at nakakatulong sa atin.
But always remember that when you get there, don't forget to look back at where you came from. Although many things and people will make it difficult for us to achieve success, always remember that the Lord always works a miracle and that many other things are beautiful and helpful to us.
Magulo man sa loob ng eskinita, matatanaw naman sa labas ang maaliwalas na tagumpay.
Even if it's sloppy inside the alley, you can see the peaceful success outside.