PART 1 LINK
(para maka sunod sa story)
Bago pala ang lahat na enjoy naman muna ng dalawa ang pagiging high school at syempre ang pagiging couple. Astig din ng mga date nila noon. Rakrakan concerts, Muziklaban, Pulp Summer Slam. Earthday Jam etc....
Pamorningan yan. Kaya sanay sa puyatan. Tapos papasok pa kinabukasan. Astig diba.
Pero kapag Wala ng pasok syempre kapag summer nasa bahay nila ate ghorl siya kaya hindi siya makasama kay kuya natin. Mahigpit kasi ang parents. Bawal daw mga Rock concerts pang demonyo daw kasi.
(photo credit to IV-Rizal)
... Grumaduate na nga sila ni Kiko at Sheh na may gift na sa tummy si Ate natin ghorl.
Hindi naging madali nag lahat sa dalawa nating bida kasi lahat Ayaw kay kuya natin.
Maraming hadlang sa love story ng dalawa. Pero nag patuloy pa rin sila at nagpakatatag. Kahit magka hiwalay sila. Dahil nga hindi pa sila kasal at naniniwala ang parents ni Sheh na bawal magsama ang dalawang tao (lalaki at babae) ng hindi pa kasal. Masyadong nahirapan ang dalawa sa ganyang mga pangyayari. Kahit gustong gusto na ni Sheh na makasama si Kuya natin Wala silang magawa kasi umaasa pa Lang sila pareha sa magulang nila. Pero si Kuya naman natin may mga diskarte naman para maka help kay Sheh sa pagbubuntis niya at sa paglilihi. Tuwang tuwa si Kuya natin ng malaman niyang buntis na si Sheh. Yung feeling na para siyang nanalo sa lotto.
Daming nangyari actually bago mag patuloy yang pagbubuntis ni Ate natin. Andyang 3 times siyang ng pregnancy test pero nag nenegative. Kaya ang ginawa ni kuya natin ay dinala na niya si Sheh sa magandang hospital para ipapreg test.
Bago nga pala yan... Bago ang graduation, dahil super busy silang dalawa sa paggawa ng mga projects na need ipasa. Halos hindi na makainom ng water si Sheh kakacomputer typing ng mga need ipasa nila. Group projects and individual. Kaya noong nag restroom siya sa isang fast food (mcdo) na malapit sa computer shop sa morayta. Nahirapan siya mag urinate at nakita niya na may kasamang blood. Parang balisawsaw pa ang feeling niya. Kaya natakot na siya at dali daling binilihan ni Kiko ng pure buko juice si Sheh para inumin pag uwi. At sinabi dito na ipapa check up siya kinaumagahan. At nag kaalaman na nga dahil sa tita ni Sheh yung nurse sa private na clinic nalaman din ni tita ang mga pangyayari. Sabi ni Doc may bf ka ba? Kasi may uti ka, pero hindi kita reresitahan ng malakas na gamot kasi may possibility na buntis ka. Kaya ka nagka uti. Mix emotion siya noon. Kasi ewan niya rin kung anong magiging emotion o reaksyon niya talaga. Imbes na hindi pa siya uuwi sa bahay ng parents niya noon kasi every weekend na siya umuuwi or Friday after school. Pero napauwi siya ng di oras. Para ibalita. Baka kasi may mauna pa sa kanya mag balita. Ayun bonding sila ng mama niya sa kama nila. Usap usap. Hanggang sa sinabi niya.... may possibility daw na buntis siya sabi ng doc kaya siya may uti. Nagtatawanan pa sila ng mama niya nun. Baka hindi rin alam ni mama niya Kung ano irereact niya that time?
Ayun si Kuya naman natin super alaga si Sheh. Kasi gustong gusto niya din naman na magbuntis ito. Para nakabakod na siya. Kanya na lang si Sheh. Wala ng iba pang makakakuha. Masyado din naman talaga so kuya natin.
..... Balik tayo sa pregnancy test sa hospital. Umabot na nga sila sa hospital kasi para ma sure na talagang buntis siya kasi ramdam niya rin naman na. Kaso isa pa tong ob na kontrabida. Kesyo daw baka gusto niya ba daw na ipatanggal na lang daw yung baby kasi tutal ilang beses na nagpt nagnenegative baka daw Ayaw talaga ng Baby. Talaga naman o. Coming from an OB?
Medyo na gg si Kuya natin kay doc noong kinwento ni Sheh yung sinabi ng doc. Pero nanindigan si Ate natin na itutuloy ang Baby. Dahil anak niya yun. Kahit na bata pa siya kakayanin niya.
Maging ang mama ni Sheh at mga amiga nito nagsabi din na baka gusto niya daw ipalaglag na lang ang Baby kasi sayang ang buhay niya. Marami pa daw siyang magagawa sa life niya without the baby. Grabe naman sila diba? Tsk
Noong mga panahong iyon ay hindi ganun kadali ang mga bagay sa ating mga bida. Pinilit na sana nila na magpakasal habang pinagbubuntis pa Lang si Baby pero tutol talaga ang mga magulang ni Sheh. Hindi daw dahil sa buntis siya ay magpapakasal na siya. Kumuha na si Kuya natin ng marriage license paper na pipirmahan nila para sa consent na rin kasi nga minor pa ang ating mga bida. Pero 3 times itong nilukot at pinunit ng mama ni Sheh. Ayaw itong pirmahan. Pero yung mga tatay naman nila Okay lang naman. Kaso ayun Ayaw talaga. Kaya sige sumunod na lang ang dalawa. Dumating din sa pinalayas si Sheh sa kanila ng mama niya. Kasi hindi manlang nila maintindihan ang mood swings ni Ate natin. Halos lahat kasi ata nakakaaway niya. Pero sana naintindihan nila kasi nga diba buntis? Kaso ayun hindi nila naintindihan. Kung anu ano pa pinagsasabi sa kanya. Kesyo bakit andun pa siya e bakit hindi na lang siya umalis? Hayst.
Kawawa naman ang ating bida. Ayun Wala nga silang nagawa ni Kiko kundi umalis at mag alsa balutan kasi nga pinalalayas na sila. Kawawang mga bata. Tsk.
Kung saan saan sila nag punta pero Wala silang matuluyan. Syempre need ng bayad diba for rent if ever. Hirap din talaga. Mga kamag anak naman Ayaw naman daw makialam. Mga kaibigan ni Sheh hindi rin pwede kasi marami na nasa bahay. Lastly yung Nanay ni kuya natin pero sabi niya hindi daw pwede kasi hindi daw pwede na may dalawang reyna sa isang bahay.
Sawi na naman ang dalawa nating bida. Walang matitirahan.
Saan kaya sila pupunta? Sino kaya ang kukupkop sa kanila?
Abangan ang susunod na kabanata....
Itutuloy....
To be continued....
-----§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§-----