Hello everyone! This is . Welcome to my blog! For today's blog, I will participate in the
"Buwan ng wika Writing Contest Week 3," so I will use our national language, Tagalog, but I will explain it in English using images that I edited using the CANVA APP, so that foreign Hivers will understand what I am talking about.
Before we start, the question for this contest is what I will advise the newcomers or users on this platform. I am not good at giving advice, but I will give it a try to share what I know.
So let's start!
Bago nga pala ulit tayo magsimula, muntik ko na makalimutan itong
PANIMULA:
Hindi ako eksperto sa pagbibigay ng payo sa ibang tao. Gaya mo, isa lamang din akong studyante sa platform na ito sa pagka't, isang buwan palamang akong user dito. Ako ay natututo lamang din sa mga turo ng mga eksperto nguni't sa pamamagitan ng pag sali sa paligsahan na ito, nais kong I-challenge ang aking sarili kung ano ngaba ang masasabi ko sa mga baguhan.
"Ano ngaba ang Maipapayo ko sa mga baguhan?"
Unang-una,
MAKINIG KA SA GURO MO
Kaya ko nasabi na, "Listen to your OWN Teacher's advices", dahil satingin ko, ang bawat isa satin ay may kanya-kanyang guro sa platform na ito. Sa pamamagitan ng pakikipagkakilala at pakikipag kaibigan hindi lamang sa loob ng bansang Pilipinas kundi pati na din sa labas ng bansa natin.
Maraming mga mababait at matatalino dito sa HIVE dito, may mga tao na willing tumulong sayo sa pag-unlad mo bilang isang user dito sa platform na ito. Isa na dito ang kuminidad na HIVEPH. Sa tulong nila ,
,
,
, at
sila ang mga taong tumulong saamin upang malaman kung ano-ano ang mga matututunan dito. Hindi lamang sa pag-aaral kung paano ngaba gamitin ang Platform na ito kundi sa pagtulong din sa pagkakaroon ng mga kaibigan at mga bagong kasamahan.
ANG PAKIKIPAG-USAP O KOMUNIKASYON SA IBA AY MAKAKATULONG SAYO
Dito sa Hive, madaming mga mababait na users. Hindi lamang sila mababait kundi may mga matatalino at mga matulungin sa kapwa para mag grow dito sa platform.
Isa sa pinaka importante na bagay na dapat gawin para maka explore at makakilala ay ang dalawang ito:
- Pagcocomment at;
- Pagbabasa
ng mga Pinupublish ng iba. Dahil kadalasan, May mga magagaling na mga manunulat dito na kung saan ibinabahagi nila sa buong mundo ang kanilang Talento sa pagsusulat mula sakanilang mga karanasan sa mga bagay-bagay, at kung ano-ano pang mga Life-lessons na makakatulong sa buhay ng isang tao. Maging ang paglilikha ng mga istorya.
Istorya? Ang Pagsali sa mga Contest kagaya ng contest na ito ay makakatulong din saiyo upang matuto. Matuto sa paglilikha at paglalabas ng iyong mga talento hindi lamang sa talentong pagsusulat.
SANAYIN DIN ANG IYONG SARILI UPANG MAS MATUTO PA
Dito sa HIVE hindi lamang dapat nating iasa sa iba ang pagkatuto. Paano ka matututo nyan kung sasanayin mo ang iyong sarili na umasa sa tulong ng iba? Hindi naman masama ang mag-tanong pero kung paulit-ulit lamang tayong umasa sa mga kabilinan ng iba, hindi tayo matututo talaga. Kasi nasanay tayong andyan sila eh katulad ng EX mong sinanay kang nasa tabi mo lang siya, pero kapag dumating yung araw na iiwan ka niya, Hirap mag move-On diba?
Minsan napakahirap din matuto kung ibabase natin sa kagustuhan ng iba ang desisyon natin. Gawin mo kung ano ang gusto mong gawin. Hindi yung kung ano ginagawa nila, yun din satingin mo ang gagawin mo. Para kapag nagkamali siya, edi nagkamali ka din diba?
Mas magandang tingnan yung nagsasarili kang sikap na mag-explore. Alam niyo bang, nakakaproud yung mga dati or sinaunang mga users ng platform na ito? Kasi, may nakausap ako. Tinutulungan niya akong mag libot dito sa platform na ito sa mga bagay na hindi ko alam at ibinahagi niya sa'kin yung mga panahon na siya ay nagsisimula pa. Sabi niya, mag-isa lamang daw siyang nag-aral o pinag-aralan kung ano ngaba ang mga pasikot-sikot dito. Kung paano ka ngaba kikita hindi lamang dito sa PEAKD, andyan yung mga ECENCY, LIKETU, HIVEBLOG mga ganun. Depende sayo kung saan mo gusto.
Dati daw walang nagtuturo sakanila. Self-Learning lang. Walang mga nag-oorientation sa mga baguhan gaya ng mga ganito ngayon. Sadyang, sariling sikap lamang talaga siya. Walang nagturo. Nakakainspire lang din kasi andami niya mga natutunan ng mag-isa lamang siya tsaka willing siyang magturo sa iba na gaya ko at Napakabait din niya. Imagine, hulog din talaga ng langit ang HIVEPH kasi merong mga tao na willing talagang magturo sa kapwa nila mga Pilipino. Paano na kaya kapag may mga baguhan tapos wala itong kumunidad na ito?
MGA KARAGDAGANG DALDAL
May mga bagay din tayong mga ginagawa. Hindi lamang dapat tayo mag pukos sa iisang gawain dito. Dapat meron din tayong isinasaisip na mga ganito:
- Unang-una,Pagpupukos sa mga Goals mo sa buhay
Ako kasi, aminado akong na-adik na ako sa discord at nawalan na ako ng pukos sa mga bagay na gusto kong gawin. Gusto lamang sabihin sayo na mag Less Maritess ka kung meron ka mang mga tao na nakakausap. Tsaka na muna tayo magsitsika kapag tapos na natin ang mga importante na bagay. Pero syempre wag mong seryosohin masyado ang pagtratrabaho dito, Magfocus ka din sa mga bagay na makakapagpasaya sayo. Ang pag bloblog dito ay depende lamang sa kagustuhan mo. Wag mo sobrahan, wag mo araw-arawin. Magtira ka din ng time mo para sa ibang mga bagay. - Pagpapakatotoo sa sarili huwag mo ding baguhin ang sarili mo dahil lamang sa ibang tao. Lagi mong tatandaan na ang pagbloblog dito ay naaayon sa kung anong gusto mo pero syempre dapat alam mo din ang limitado mo.
- Pagbibigay respeto sa Kagustuhan ng iba (gusto kaba? Charought) Halimbawa, kung ang isang tao ay merong gusto na hindi mo gusto at hindi kayo magkatugma sa kagustuhan, irespeto nalamang. May mga tradisyon din kasi dito (kung hindi ka aware) hindi lamang tayo nalilibot sa buong Pilipinas pero meron ding mga taga ibang bansa. Tandaan na ang Platform na ito ay hindi bagsakan ng mga sh!t posting na gaya sa mga naging sinaunang micro-blogging platform na nagamit mo na.
hindi ko din alam kung bakit nadamay 'to.
- Importanteng Mag-tanong sa mga bagay na hindi mo pa alam sa mga tao na may nalalaman kung may mga bagay ka man na gustong gawin, mas maiging magtanong o mag research kung pwede ngaba ang mga ganito at ganyan. Huwag mong gawing 'please master' ang sarili mo dito kung ayaw mo maban. Isa iyan sa mga natutunan ko dito at idinagdag ko iyon sa mga Lesson na natutunan ko nung mga baguhan palamang ako.
- I-check mo muna yung mga Grahams mo at espeling bago mo i-post yung blog mo alam mo bang nung mga baguhan palamang ako, meron isang tao na nagsabi na i-correct ko yung Grammar ko. Hindi kasi ako gumagamit ng mga website kung saan pwede mo i-tama yung mga mali (na words) mo (sana all natatama pa ang mga salita pero ang pagkakamali niya hindi na). Ito ang isa sa mga pinakamahalaga din para matuto din tayo sa mga tamang pagsusulat gamit ang ingles na salita sa pagsusulat at mas lalong maintindihan ang ating mga mambabasa ang ating mga likha.
at kung mahina kaman sa pag iingles, meron naman tayong mga ginagamit na websites: gaya nalamang ni Quill bot hindi talaga ako gumagamit neto dati pero dahil kailangan ko na, gumagamit na ako. Meron din naman yung Grammarly pero eto kasi may bayad.
- Maging Handa sa mga Pananaw ng iba hindi kasi tayo pare-parehas. Dito kasi meron ding mga tao na hindi katulad ng gusto mo, gusto din nila. Gusto nila pero hindi mo gusto. Ang Virtual o kaya'y ibang mundo ay malayo sa realidad na kung saan, makakakilala ka ng ibang tao, malayo sa kung anong mga nakasanayan mo. Papangunahan na kita, hindi mo talaga magagawa yung mga bagay na nakasanayan mo na. Maninibago ka pero hindi kita tinatakot kasi alam ko na makakapag-adjust ka kasi habang patagal ng patagal, masasanay ka.
Pero syempre, hindi lamang dapat tayo puro ganyan-ganyan dapat isa-isip din natin palaging,
- Magsaya at Maglibang sa mga bagay-bagay na bago mong natutunan. Huwag kang matakot na makagawa ng pagkakamali kasi parte lang din iyon ng pagkatoto mo dito.
At iyan lamang ang mga gusto kong maipayo sa mga baguhan dito. Base sa mga experiences ko. Hindi ako ganon kagaling sa pag bibigay payo sa ibang tao pero gusto ko lang subukan ang sarili ko kung ano nga ba ang maibibigay kong payo sa kanila.
Maraming salamat sa pagbabasa!Sana'y nagustuhan niyo ito.
Isinulat ni:
Ang mga larawan ay inedit sa: CANVA APP