Ito ay aking sisimulan sa isang liriko ng kanta. Lirikong may ibang kahulugan sa twing aking napakikinggan. Maaaring sa iba ay kanta na tungkol sa iniibig ngunit para sa aking ay may mas malalim pa itong pahiwatig. Una ko itong napakinggan noong nakasakay ako sa bus pauwi sa probinsya namin. Nakaupo sa tabi ng bintana habang pinagmamasdan yung tanawin sa labas. Habang nakikinig ako at ninanamnam ang bawat likiro , bigla na lamang pumutak ang luha sa aking mga pisngi na animoy kinukurot ang aking puso.
Hindi ko maintindihan
Pag-ibig mo't kapatawaran
Pag-ibig na 'di mapantayan
Hinding-hindi mo ko iniwan
Habang nakatulala sa kawalan , bigla kong naisip kung gaano ka kabuti sakin. Sa kabila ng lahat ng sakit na naidulot ko sayo, sa lahat ng pagkukulang at pangbabalewala ko lagi padin nandyan yung mga kamay mo at handa akong iahon sa kung saang Lugar man ako nadapa. Minsan naitanong ko din sa sarili ko kung bakit kahit paulit paulit akong nagkasala ay hindi mo padin ako iniiwan. Bakit palagi mo nalang akong pinapatawad at paulit ulit na minamahal.
Sino ba naman ako?
Ako'y 'di karapat-dapat
Sino ba naman ako
Upang mahalin nang ganito?
Sino nga ba ako sayo? Isa lamang akong hamak na makasalanan na hindi naman karapat dapat sa pagmamahal na palagi mong ibinibigay sa akin. Sino nga ba ako? Isa lamang akong hamak na tao na laging nangangako na magbabago pero bumabalik padin sa gawaing makamundo. Sino nga ba ako at bakit minamahal mo ako ng ganito?
Ako'y kulang nguni't pinuno mo ng pagmamahal
'Di mo kawalan nguni't ang sabi mo, ako'y iyong yaman
Ako'y binago mo, ikaw ang buhay ko
Walang katulad mo sa mundo
Panghahawakan ko'ng pag-ibig mo
Sa 'yo lamang ako
Ikaw yung dahilan bakit ako nabuo. Matagal na panahon nadin simula nung hinanap ko yung sarili ko at hinanap ko kung paano ako magiging kumpleto. Pinaramdam mo sakin kung gaano ako kahalaga kahit na sa aking paningin ay wala naman ako kwenta. Matagal ko pinaniwala yung sarili ko na wala akong magagawa hanggang sa nakilala kita at pinaramdam mo sakin na bawat tao ay mga halaga. Wala na akong mahahanap na katulad mo dahil nag iisa ka lang sa puso ko. Palagi kong dadalhin ang pag ibig mo at pinapangakong sayo lang ako.
Kahit maramot kong sinasarili
Tinalikuran, 'di ka pinili
Hangin lamang salita ng aking labi
Subali't pag-ibig mo pa rin naghari
Dumating sa punto na hindi ko na makita yung liwanag. Naligaw ako ng daan at nalito sa kung saan ba ako patungo. Nasilaw muli ako sa gawaing makamundo at nalimutan ko yung pangako ko sayo. Lahat ng pangako ay naglaho na animoy isa lamang salita na nilista sa hangin. Mga salita na pinanghawakan na matagal na panahon ngunit mauuwi lamang pala sa hangin.
Matagal kita kinalimutan , at kahit gaano kong gustong bumalik sayo hindi ko magawa. Masyado na akong kinain ng makamundong gawain at nakalimutan ko na ang daan pabalik patungo sayo. Ngunit hindi ka pumayag na tuluyan akong maligaw at makalimot. Gumawa ka ng paraan para makita kong muli yung daan patungo sayo. At nagwagi ka! Nag alab muli yung pag ibig at pananampalataya ko sa iyo oh Kristo Hesus. Nahanap kong muli yung daan patungo sa iyo at pinapangakong hinding na maliligaw pa.
Habang tinitipa ko ito , unti unti ding tumtulo yung luha sa mga mata ko. Naaalala ko kasi lahat ng pinagdaanan ko simula nung nakilala ko si Lord hanggang sa nakalimot ako at nahirapan ng bumalik pa. Pero mabuti ang Diyos kasi hindi nya ako hinayaan na tuluyang mapalayo sa kanya, bagkus gumamit sya ng intrumento na tutulong sa akin kung paano mag alab muli yung pananampalataya ko sa kanya.
I have decided to follow Jesus.
No turning back , no turning back..