Isang umagang kay ganda ang bumungad sa akin pagbukas ko ng pinto ng aking tahanan. Napakasarap ng dampi ng malamaig na hangin sa aking balat. Eto yung araw na pinakahihinatay ko. Mahabang weekend nang makapagpahinga, mag-enjoy at gawin ang mga bagay na matagal ng nakaplanong gawin.
Habang ang aking fb reels at newsfeed ay binabaha ng mga travels ng mga Pilipino sa loob man o sa labas ng bansa , eto ako nasa loob at labas lang ng aming munting tahanan. Ika nga, team bahay.
Pero sa kabila ng pagiging team bahay ay masasabi ko pa ring kami ay team gala sa labas ng tahanan. 😅 Kaya, halikayo at ipapasyal ko muna kayo sa labas ng aming bahay. Haha!
Eto iyong sa labas ng bahay sa likod. Makikita ninyo na medyo mukhang nasa gubat kami. Kaya nga ok lang na hindi kami nakapagtravel sa ibang lugar dahil sa paligid pa lang ng bahay namin ay travel goals na. char! 😅
Papunta kami sa isang lupa ng pag-aari ng taga-rito sa amin. Wala naman itong harang kaya makakapasok lang kami at wala din namang babala na bawal pumasok.
Makikita na ang pag-aari nilang lupa ay napapalibutan ng mga kahoy bilang natural na hangganan nito. Makikita ang iba-bang punong kahoy at napapasin ko rin na marami ring kawayan ang nakapalibot dito.
Etong tanawin namin na ito ang bumungad sa amin ng makalagpas kami sa hangganan ng lupain. Malinis ang lugar at maaliwalas tingnan ang mga puno ng niyog na nakahelera. Napakapresko din ng hangin dito.
Hindi naman kami nagtagal. Nakucurious lang naman ako kung anong makikita namin doon. At dahil nakita ko na ay masaya na ako.
Nang sumapit ang alas kwatro ng hapon ay nagdesisyon naman kaming pamilya na pumunta sa dalampasigan at doon ay hintayin ang paglubog ng araw. Napakaganda ng natunghayan namin na paglubog ng araw sabay ng masayang paglalaro sa buhangin at pag-akyat sa puno ng niyog na malapit ng tuluyang mabuwal.
Napakaganda talaga ng paglubog ng araw.
Nang dumilim na ang paligid ay napagpasyahan namin na umuwi na. At sa aming paglalakad ay doon naisip ko kung ano kaya kung makapulot ako ng 500 pesos sa daan. Ano kaya ang magandang gawin rito?
Kung sakali ay makapukot ako ng 500 pesos, eto yung mga bagay na gagawin ko.
Hahanapin ko kung sino ang nagmamay-ari nito. Ang 500 pesos ay malaking pera na rin para sa mga taong sakto lang ang kita sa araw-araw at kung mawalan ka ng ganitong halaga ay talagang maiiyak ka. Para malaman ko kung may naghahanap ng pera ay ipapapost ko sa fb sa aming kabarangay na mataas ang reputasyon sa pagbibigay ng mga impormasyon sa mga mahahalagang nangyayari sa lugar namin. Pambarangay na marites with a heart ang tawag ko sa kanya dahi nakakatulong din naman ang kanyang pagmamarites para malaman namin ang mahahalagang pangyayari sa aming lungsod. At kapag siya ay nagpopost sa fb ay talaga namang marami ang naabot ng ibinabahaging impormasyon.
Hihintayin ko kung may maghahanap ng 500 pesos sa loob ng isang buwan at kung wala talaga ay tuluyan ko na làng angkinin ang 500 pesos. Nakakonsensya man ako pero sayang din naman kung hindi mapakinabangan.
Ano ang gagawin ko sa 500 pesos?
Parang hindi ko kayang bumili nag ipapakain ko sa pamilya ko ng perang hindi naman talaga sa akin. Naisip ko na iinvest ko na lang ito at ipagbili ng Hive token. Malaki ang tiwala ko na may malaking potensyal ang hive na tumaas pa ang halaga nito pagdating ng panahon. Maaring sampung taon mula ngayon o di kaya dalawampung taon mula ngayon ay magiging 10,000$ na ang halaga nito. 🤪 Sa mundo naman ng crypto ay parang walang imposible kung ang pag uusapan ay ang halaga ng mga tokens. Kaya dun ko na lang ilagagay ang pera ito na napulot ko sa daan.
At kung sakali mang mangyari ang bagay na ito, sigurado akong makakalikom ako ng mas malaking halaga para sa aking retirement. At sa panahong ito ay baka maari na akong maagang magretiro at tumigil sa pagtatrabaho at susulat ako sa aking Boss. Eto ang magiging mensahe ko sa kanya:
Dear Maam/Sir:
Maraming salamat sa panahon na tayo'y magkasama sa trabaho. Marami akong natutunan mula sa inyo. Mas naging madali at magaan ang trabaho dahil hindi lang kayo boss kundi isang tunay na lider sa amin. Nawa'y patuloy kayong maging mabuting ehemplo sa mga bagong manggawa at ng sila ay mainspire sa kabutihan ng iyong puso at kagalingan ninyo sa trabaho.
Siguro ay hindi na lingid sa inyo na malaking aspeto ng aking maagang pagretiro ay ang kita ko mula sa investment ko sa Hive. Kung kayo ay interesado sa pag invest at pagbablog ay tawagan niyo lang ako at tuturuan ko kayo kung papaano. 😁
Maraming salamat at mabuhay!
Gumagalang,
Tatskie