Ikkwento ko lang.
Type type type. Delete delete delete.
Nag iisip ako ng tamang salitang ilalapag bilang kumento sa sinusuri kong artikulo habang nakikinig sa Top Hits Philippines sa Spotify.
Kasabay ng tunog ng keyboard ko at ng kanta ang tunog ng notifications sa MS Teams. Nagremind na naman pala ang HR tungkol sa Pag-ibig at iyon ang naging highlight ng araw ko.
Isa sa mga ka-trabaho ko ang nag tanong kung paano maaayos ang problema niya sa Pag-ibig. Naisip ko na baka may maitutulong ako bilang may karanasan din naman ako sa Pag-ibig kaya binasa ko ang mga tanong.
Paano kung marami akong Pag-ibig, pwede ko ba silang pag-isahin?
Napaisip tuloy ako kung pwede ba talagang pag-isahin? Posible pala talagang magkaroon ng dalawang Pag-ibig. Problema niya tuloy kung paanong magiging isa na lang.
Puntahan mo yung Pag-ibig, sabi ng isa ko pang ka-trabaho. Luh, bakit kailangang puntahan? Sabi ng iba, wag mong hintayin ang Pag-ibig, darating din yan. Ano ba talaga ang dapat gawin?
Hindi pwedeng ang Pag-ibig ang pupunta sayo, sabi pa ng isa. At bakit? Tanong ko. Hindi raw kasi maaayos kung maghihintay pa.
Sabagay. Kung gusto natin ayusin ang mga bagay bagay, kailangan din nating umaksyon. Hindi pwedeng maghihintay na lang. May point naman sya.
Sa nakalipas na isang taon, ngayon lang nalaman ng ka-trabaho ko na wala palang nangyari sa Pag-ibig niya. Iniwanan siyang walang wala. Hindi namin malaman kung sino ang may pananagutan.
Di namin mapigilang ihalintulad ang Pag-Ibig Fund problems sa mismong pag-ibig. Marahil may pagkakatulad nga naman kasi talaga. May mga pagkakataong naging dalawa ang Pag-ibig Fund accounts dahil sa miscommunication, mayroon namang na-ghost ng previous employers at hindi hinulugan ang mga taon at buwang pinagtrabahuhan. Ang iba naman, hindi sigurado kung pwede pang ipagpatuloy ang nasimulan sa Pag-ibig Fund dahil lumipas ang mga buwan at taon na wala silang contribution.
Kailangan bang ako ang pumunta sa Pag-ibig o Pag-ibig ang kusang pupunta sa akin?
Walang mangyayari kung maghihintay ka lang. Yan ang sagot ng HR habang nagtatawanan ang lahat dahil tunog love life ang usapan.
Ikaw, baka may kwentong Pag-Ibig Things ka rin?
Sinusubukan kong magsulat na rin sa Tagalog. Sinimulan ko dito, sa karanasan ko habang nagttrabaho. Salamat sa pagbabasa!
📸 Cover Image created on Canva