May mga oras talaga na gusto natin mapagisa,
Suriin ang mga nakaraan at pagisipan ang mangyayari sa kasalukuyan.
Nandito ako ngayon tulala sa dalampasigan,
Pilit na nililinaw ang aking isipan.
Walang magawa kundi hintayin ang paglubog ng araw sapagkat ganun minsan,
Wala ka nang magagawa kundi hintaying ang katapusan.
Nung una ko siyang nakilala akala ko katulad siya ng iba,
Pero di rin nag tagal nangibabaw siya sa iba.
Nagkalapit kami at nagustuhan ang isa't-isa,
Araw-araw ay puno ng aliw at saya.
Para siyang araw na nakakaakit-akit,
Nagliliwanag at binubura ang kahit anumang pait.
Ni minsan di ko inisip na ito ay magwawakas pa.
Hanggang sa nalaman ko na lang na meron siyang iba.
Mundo ko'y gumuho dala ng matinding pagyanig,
Buhay ko'y tila naging yelo sa kanyang biglang paglamig.
Mahirap ilarawan ang pakiramdam ko ngayon,
Nasa gitna ka ng gabi, malamig, madilim at mailusyon.
Pero heto na ako ngayon nakatitig sa pag lubog ng araw sa dalampasigan,
Tanggap at sinasapuso ang mga pinagdaanan.
Biglang may dumamping malamig sa aking pisngi.
"Hindi ka ba nalulunkot? o eto softdrink." Napatitig ako sa kanya at napangiti,
Habang nakalingon ako sa kanya na umuupo sa tabi ko,
Lumubog na pala ang araw at dumilim na ang paligid ko.
Di porket lumubog na ang araw ay tapos na ang bangungot na naging,
Sapagka't sa gabi mo lang makikita ang mga bituin nagniningning.
At tsaka ko lang sinabi sa aking kasama,
Na "Hindi na, kasi nandito ka na."
I guess this falls to the prompt: "Mahal mo o mahal ka?"
HELLO TPKIDKAI!
I'm sorry my non-tagalog speaking peeps. but I checked google translate and it sort of make sense.