Oras ay tumatakbo ng di ko namamalayan.
Luha ng kahapon ay dala sa kasalukuyan.
Ang bigat sa dibdib kailan nga ba mababawasan?
Ang mundo ba'y may paraan upang ito'y takasan?
Maaari bang mabuhay na lang sa panaginip?
Bawat araw ay tila punyal sa aki'y umuukit.
Ang paraiso ni minsa'y sa isip di nahagip.
Matang dilat sa hirap ay nais ko nang ipikit.
Sa balintataw ko noo'y di matanaw,
Bukas na parating, tila nalulusaw.
Sa tindi ng pagsubok muntik nang bumitaw.
Nagtiyaga't ngayon sa galak ay umaapaw
Niyakap ko't kinausap ang dating ako.
Tiwala lang at ang hapis mo'y maglalaho.
Magpahinga ng kaunti ngunit wag susuko
Laban lang sa buhay, mararating mo'y malayo.