Maraming araw na naman ang na-miss ko sa paglalathala ng blog dito sa Hive. Na-busy sa mga IRL activities. Di rin naman kasi kakayanin na hatiin ang katawan natin. Magiging horror blog ang blog ko kapag nangyari ito. LOL.
Bilang pagbabalik ay nagpasya ako na sumali dito sa Tagalog Trail prompts at para sa araw na ito ay ito nga ang topic: ipapa-Tulfo mo ba ang kamag anak kung may isyu kayo?
Sa simpleng usapan, ang sagot ko ay hindi. Naniniwala kasi ako na hindi kailangan ng ganitong bagay para masolusyonan ang di pagkakaunawaan, lalu na at magkadugo pa naman kayo. Siyempre, hindi ako nagsasalita ng tapos. Hindi kasi natin alam kung anong mga bagay ang pwede natin ma-encounter sa hinaharap.
Sa aking karanasan kasi ay mayroon rin mga bagay na ginagawa tayo sa kapamilya na masasabi ko na pangit, nakakasuklam, o di kaya ay kahindik-hindik. Madalas ko rin nakikita sa mga news channel na pwede rin pala natin magawa ng mga masasamang bagay sa kapamilya natin. Tao pa rin kasi tayo. Sa Bible nga ay may malinaw na halimbawa ng kasamaan sa pagpatay ni Cain sa kapatid niyang si Abel. Di ba't pwede itong pang-Tulfo? Sa ganitong sitwasyon ay pwedeng ipa-Tulfo si Cain, ngunit sino ang magpapatulfo sa kanya. Kaharap na nga niya ang Diyos pero nagsinungaling pa siya, di ba? Bad move sa kanya at napatapont tuloy siya sa malayong lugar.
Sa aking palagay, ay sikat ang mga show na kagaya nito dahil sa hindi maayos ang ating justice system sa Pilipinas. May mga makikita tayo na malalaking inefficiency at backlog sa mga korte, mga masasamang tinapay sa mga law enforcement agencies, at hindi maayos na palakad sa mga kulungan. Hindi ko naman sinasabi na ito na ang pinaka-pangit na sistema sa buong mundo, ngunit malayo pa tayo sa mga nangunguna sa WJP Rule of Law Index, na siyang nagsasabi ng best of the best na pinangungunahan ng Denmark (1), Norway (2), at Finland (3). Kung titingnan natin ang listahan ay medyo malayo pa tayo sa bilang na 100 out of 143 na bansa. So, marami pang kinakailangan na improvements para mapaganda ang ating justice system sa aspeto ng pagsunod sa batas, katarungan, at access sa hustisya. Kinakailangan din natin mag-improve sa transparency, accountability, at proteksiyon ng karapatan ng indibidual para umagat tayo sa rankings.
Siya, hanggang dito na lang muna. Sa aking palagay ay may kabutihan na naidudulot ang mga show ni Raffy Tulfo at Cong. Bosita na mga advocacy naman para sa mga motorista, ngunit ito ay isang symptom ng kakulangan sa ating lipunan na kinakailangan nating bigyang pansin upang maging mas maayos, patas, at maginhawa para sa mas maraming tao ang pagiging isang Pilipino.
*If you are curious about it, I used this canva template for this post. Please check it out and support the Canva artist.