Halos lahat ng babae ay nangangarap ng engrandeng kasal , maisuout ang pangarap na traje de boda at manumpa sa harap ng Diyos kasama ang kanilang minamahal. Hindi maipgakaila na kung ang iyong pamilya ay nabibilang sa konserbatibong angkan ang kasal ay isang napakahalagang bagay. Eto ay nararapat na ganapin sa lugar ng babae at dapat sa loob ng tahanan ng Diyos.
Simula ng ako'y paslit pa lamang, alam ko na na darating ang panahon na ako ay ikasakal. Opo, alam kung may maghuhumaling sa aking alindog (charot), ngunit sa lahat ng kasal na aking nadaluhan palagi na lamang akong may naririnig na pagpupula mula sa mga bisita. Maaring eto ay sa pagkain, sa dekorasyon oh maging sa damit. Oh baka dahil lamang sa ako'y nakatira sa probinsya na may ganitong gawi. (ganyan din ba sa inyo). Maliban doon, nakikita ko na pagkatapos ng kasal parang ang daming bayarin ng bagong mag -asawa. Siguro dahil ang iba ay hindi handa at pinilit lamang mairaos ang kasal ng naayon sa tradisyon.
Nasaksihan ko din ang mga gumastos ng daang libo sa kasal at ang iba ay umabot pa sa milyon pero sa bandang huli ang naghihiwalay din. Ako na naghinayang ng perang nagastos. Hahaha.
Kaya ako ay napaisip, kapag ako ay ikinasal may nais ko na konti bisita lamang. Kung maari ang magulang at kapatid lng namin na mag asawa. Siguro kasi ako ang taong tamad mag estima ng bisita lalo na kung alam kung hindi kung pumunta lamang para mag Marites. Gusto kung namnamin ang solemnity ng aking pakikipag isang dibdib.
Ngunit sa hindi ko inaakala eto ay nasobrahan naman dahil ng ako'y ikinasal hindi nakapunta ang pamilya ng aking asawa. Kung nais niyong malaman, basahin DITO.
Sobrang simple lamang ng aming kasal pero naramdaman ko ang labis na pagmamahal sa akin ng aking magiging kabiyak. Bakit hindi atat nga siya pakasalan ako 🤣.
Di ba masaya siya? Hindi ko alam sa kapatid ko, bakit ako lng ang mukhang masaya dito.
Pero seryoso ako, mas pinili ko kasing maging praktikal kaysa gumastos ng malaki para sa kasal. Kahit na sabihin ng iba na isang beses lng eto mararanasan kaya dapat bonggahan. Hindi lng po sila na inform iba na ang trend ngayon mayroon ng renewal of vows. Galing man kami sa konserbatibong pamilya at sa katunayan ay kami lng sa aming magkakapatid ang hindi naikasal sa simbahan, walang may tumutol. Siguro dahil nasa wastong edad na kami at ang mga magulang ko ay nag aakala na nga na tatanda akong dalaga. Hahaha.
Gaano ka simple ang kasal namin?
Cake - red ribbon
Rings - unisilver
Dress - iyan ang suot namin
Reception - kumain lng kami sa labas after ng kasal at naghanda ng kaunti sa bahay.
And we live happily ever after
Dapat Tandaan - wala naman masama kung gusto ng engrandeng kasal, May kanya- kanya tayong paniniwala basta afford!
nosebleed na ako TP
Lead Image was edited using Canva
Image source www.pexels.com by