Masayang araw at sana lahat at nakapagnilay -nilay na. Tapos ka na ba? Sa mga walang pagpilian kundi magtrabaho sa buong holy week, sadyang ganyan ang buhay! Hindi na kasi tayo bata at marami ng responsilidad kaya naisin man nating magpahinga ay hindi na maari! Pero, huwag sumama ang iyong kalooban, bagkos isipin mo ang magandang dulot nito tulad lng double pay ka ngayong linggo! Maging mukhang pera ka muna sa ngayon 😁.
Ako namay, walang pasok sa loob ng limang araw, ngunit mas pinili ko na manatili lamang sa bahay. Eto ay akin ng nakagawian sapagkat sa ganitong tradisyon ako pinalaki. Kung may iba man akong pupuntahan, iyon ay simbahan lamang at sumama sa prusisyon. Ang aking mga ninuno ay naniniwala na delikado gumala sa mga ganitong panahon at lapitin sa disgrasya!
Hindi naman sa naniniwala ako, pero wala namang masama sumunod. Isa pa, nakakatamad naman lumabas at gumala mag - isa. Hanap sana ako kasama mag Baguio as a friend🤣
Ako'y abala sa paglilinis at pag-aayos ng mga bagay-bagay sa aming munting tahanan kasma ang mga makukulit na mga bata.
Sige, laban lng para kayo ay lumaking hindi lambutin!
Ngunit sa hindi ko inaasahan ako ay nakatanggap ng mensahe mula sa aking hipag at nag-iimbeta ng tanghalian. Sadyang, napakagandang balita! Kaya, pinauwi ko na ang mga bata at kaming magkita na lamang doon.
Habang ako ay naglalakad papunta sa bahay ng aking hipag ako ay may nakitang nililipad ng hangin palapit sa akin! Hindi insekto at lalong hindi basura kundi pera. Hindi bente kundi iyong kulay dilaw! OO, limangdaang piso!
Dinampot ko at at tiningnan kung totoong bang pera, baka mamaya eto ay peke ay may sisigaw ng it's a prank. Pero, hindi eto ay totoong pera matapos ko etong kilatisin gamit ng aking mapanuring mata. Luminga - linga ako sa paligid at baka sakali makita ko ang may - ari ngunit walang katao - tao.
Hindi naman ako maaring sumigaw sa daan para magtanong kung may nawalan ba ng pera. Lalo't hindi din maari na magpost sa community page kasi ano ang kasiguraduhan ko na siya nga ang may ari? Maliban na lamang kung kaya niya ibigay sa akin ang serial number diba? Hindi ko naman maaring sabihin ang aktuwal na lugar kung saan ko eto natanggpuan. Kaya nagpasya na lamang akong ilagay eto sa aking bulsa.
Madalas naman akong nagbabasa sa facebook page sa aming lugar kaya kung sakali mang may magpost at maghanap nito at tumugma ang mga detalye? Eto ay ibabalik ko sapagkat hindi ako intresado sa mga bagay na pag -aari ng iba. Sanay akong pinaghihirapan ang mga gusto ko sa buhay
Subalit, kung walang maghahanap eto ay ituturing ko ng akin. Ika nga finders are keepers
Isa pa hindi sa lahat ng pagkakataon ang mga bagay na nawala sa atin ay nakukuha pa natin ulit. Kaya, hanggat maari ingatan kung anong meron ka, huwag hayaan na eto ay mawala.
Divider credit to Sensiblecast
Lead image was edited using Canva
All photos are mine