"Juan, pwede kabang makausap mamayang uwian? May gusto lang sana akong sabihin, sana'y okay lang?"
"Ahhhh, Josefina ikaw pala. Oo, okay lang naman. Pero saglit lang ha. May gagawin pa kasi 'ko mamya ee."
Di na 'ko mapakali. Parang gusto ko ng umatras pero di maaari. Kapag di ko pa to nagawa ngayon baka pagsisihan ko sa huli.
Kaya kahit nagpapawis na ang lahat ng kasingit singitan sa katawan ko, pinush ko pa rin. Kabado bente na 'ko pero...
"Gusto kita Juan."
"Ha? Ah, eh, anong pinagsasabi mo Josefina. I mean, bakit? Anong nakita mo sakin, luhhh."
"Need ba lagi ng dahilan kapag may nagugustuhan ka? Di ba pwedeng gusto kita dahil gusto kita? At saka, bakit ganyan ang reaksyon mo para kang diring diri? Ganon ba 'ko kapangit para pang dirihan mo?
"No! Hindi Josefina, it's just that, I have a boyfriend! Si Patrick. Sorry.
"Teka! Teka, wait! Ha?"
"Yes Josefina, I'm gay."
"Haaaa!??!"
Nalungkot ako sa nalaman ko, nanlumo at hindi ko matanggap. Ang heartthrob ng school namin gay pala tapos nagustuhan ko.
Kinapa ko ang flat kong dibdib at pinaki - ramdaman ang tibok nito. Paulit ulit lang syang nag tutsug tsug tsug tsug pero...
"Mahal mo pa rin si Juan" ang sigaw nito.
Napatingala nalang ako sa langit at tuluyang dinamdam ang mga nangyari sabay sigaw; "Kupido naman! 'bat ka naman ganyan!"
At pagkatapos kong maisigaw ang lahat ng hinanakit ko kay Kupido, may naramdaman akong tumama sa ulo ko. Diretso itong nahulog sa paanan ko.
Nagulat at napatalon ako sa nakita. At naiaip ko, may nagbabalak atang pumatay sakin. "Anong ginagawa ng palaso na 'to dito. Nalaman na kaya ni Patrick na nag confess ako kay Juan kaya gusto nya 'kong patayin? Luhh! Sinabi ni Juan!"
Dali dali akong napatakbo sa loob ng bahay at nagsimulang mag plano sa kung anong gagawin ko bukas.
Pagkadating sa school, hinanap ko na agad ko Juan. But to no avail, di ko nakita maski anino niya. At imbes na ibaba ang back pack ko sa upuan sa classroom namin, dala dala ko to para maisagawa na ang mga plano ko.
Malungkot ako sa maghapon dahil di ko talaga sya nakita. Panira pa imagination ko dahil sa nga naiisip na scenario habang magkasama si Juan at Patrick. Mapanakit, nakakasugat ng puso! Pero di dapat matapos ang maghapon na to na wala akong nagagawa. I need to look for him.
At tila dininig ng mga Anghel ang kahilingan ko dahil sa wakas, nakita ko na sya. Di nga lang sya nag iisa dahil kasama nya talaga si Patrick. Walang kahit sino mang makapag iisip na may namamagitan pala sa dalwang to, hmmmpt!! Mapanglinlang!
Dali dali akong sumunod sa kanila para makita si Juan. Wala akong pake kay Patrick basta mahal ko pa rin si Juan. Pero ang ipapatay niya ko ang di ko matatanggap! Well, maaaring nag aassume lang ako at wala naman talaga akong matibay na evidence pero malakas ang kutob ko!
Let see!!
Nasaktan ako ng bongga nong makita ko silang nag hug sabay kiss pero, kailangan ko ng maisakatuparan ang mga plano.
Inilabas ko ang aking improvise na bow at inihanda ko na ang aking sarili para sa aking gagawin na pag hihigante. Nasasaktan lang siguro ako kaya ko to nagagawa pero, di ko naman sya papatayin ee. Ipaparamdam ko lang sa kanya yong sakit sa puso ko nong nalaman ko na sila pala. Huhu.
Inilabas ko na rin ang arrow na napulot ko kagabi na hinihinala kong siya rin ang may ari. At dahil di pa talaga ako marunong pumana, nag practice lang ako ng kunti kagabi, I need to get close to where they are. Baka yong puno ang mapana ko and hindi si Patrick kapag nagkataon ee.
Nagbilang ako ng tatlo.
Isa.
Dalawa..
Tatlo...
At nirelease ko na arrow papunta sa likod ni Patrick. Ngunit sa di inaasahang pangyayari, biglang bumagal ang lahat na tila nag slow mo. Nagulat ako sa nakita ko pero wala pala akong time na magulat din dahil mas kagulat gulat yong sumunod na eksena.
May lumitaw na mga imahe na naglalaman ng information para sa Palaso na napulot ko. At hindi ako makapaniwala.
"Diba dapat nasa unahan ang mga instructions? Pero bat yong sayo nasa dulo? Kupido namannnnnnn!!!"
Pero huli na ang lahat. Tumama na sa likod ng ulo ni Patrick ang arrow at mabilis ding itong naglaho. If may maghahanap ng evidence if sino ang gumawa nito kay Patrick, for sure wala silang makikita.
At si Patrick naman parang bagong turok ng anaesthesia, wala sa huwesyo.
At kinabukasan sa school, nagulat ako dahil si Patrick na isa ding heartthrob sa school tumigil sa harapan ko at sabay lumuhod,
"I love you Josefina, can you be my girlfriend?"
Hinanap ng mata ko si Patrick at ayon na, sinalubong ako ng nagliliyab nyang mga tingin. Galit na galit, gustong manakit.
"Oh No! This is not what I want! Huhu."
This is my entry for Tagalog Trail Contest this week. If you want to know more about it, feel free to visit Unang Patimpalak sa Wikang Tagalog you still have a lot of time to write yours. Good Luck!