Uso na talaga ang bonggang kasal ngayon no? May ilang couple lang akong naalala na kinasal na talagang ginastusan pero sa hiwalayan rin nauwi. For sure kilala nyo yang mga yan. Nakakalungkot na ganon ang nangyari pero, nakakapanghinayang lang kasi. Imagine-in mo yong ginastos para lang maisakatuparan ang mala fairy tail na kasal.
Lahat naman halos ng babae may mga dream wedding, normal lang yan, ako lang ang abnormal. Yong iba talagang pag iipunan pa para lang matupad lahat ng gusto nila. Lucky kapag natupad pero kahit naman simpleng kasal okay na okay pa rin yan. Lalo ang mahalaga ikakasal ka sa taong mahal mo, yiehhh. Sana all! Arghh!
So sa napili kong topic para sa ikalawang contest mula sa Tagalog Trail Community : Simple o Enggrande?
Kung ikaw ay ikakasal sa taong mahal mo at mahal ka ano ang mas nais mo? Isang simpleng kasalan or isang bonggang selebrasyon na mayroong mga artista at mga pulitiko gaya sa kasal nila Alodia Gosiengfiao? Ipaliwanag at magbigay ng halimbawa.
If halimbawang naawa sakin si Kupido at nahanapan nya 'ko ng lalaking magiging kabiyak ko sa habang buhay, mas nanaisin ko nalang ang simpleng kasal kesa sa bonggang engrandeng kasal. Ke mayaman o hindi ang lalaking malas na mamahalin ko in this lifetime, simpleng kasal pa rin ang nanaisin at pipiliin ko. Simple pero rock!
Gaya nga ng sabi ko, abnormal ako kaya yong nga gusto ko sa buhay ay kasalungat ng kung anong gusto ng mas nakararami. Gusto ko lang yong simple pero mas meaningful. Walang masyadong bonggang dekorasyon or what, basta simple pero halata pa rin na pinaghandaan ng dalawang nilalang na tunay na nagmamahalan.
Hindi man ganon ka engrande pero may touch pa rin ng "Wedding Theme." Ayaw ko ng masyadong makulay, kung pwede lang nga at sasang ayunan ng mga kabiyak ko, ipopropose ko na ang black color ee, favorite ko kasi, pati sana sa dress if pwede lang naman. Ganito ang dream wedding ko, nakabase lang sa kung anong theme color.
Saka, sakin lang ha, wala talaga yan sa kung anong klaseng kasal ang meron ka, mas mahalaga pa rin dito is kung mahal kaba ng mahal mo, or mahal mo sya. Yong handa kayong ipaglaban ang pagmamahalan nyo if ever may biglang pumigil sa kasal nyo dahil sa ganito, ganiyan o kaya may mang akit na pa count to ten girls sa magiging partner mo.
And para na rin sa Practicality, imbes na ibuhos lahat sa kasal, bakit hindi sa lupa at bahay diba? Kapag may sobra, magtayo ng sariling negosyo para ma secure ang mapag kukunan ng income. And, sakin lang talaga kasi nga abnormal ako, di ko kelangan ng engrandeng kasal, I just want a secured and bright future with my other half, that's all.
Di bale ng di engrande, basta lang after ng vows, dapat di mawawala ang sayawan kung saan may sabitan ng kwarta na magaganap sa mga likuran namin habang nasa gitna kami ng entablado at kumikendeng na parang mga bibi.