Sa araw na nagpaalam si kupido upang mag pahinga, inabot nya sa akin ang palaso sabay sabi "ikaw nalang ang kaisa isang walang pagibig. Heto gamitin mo, pag kakataon mo na para makuha kung sino mamarapatin mong makasama sa buhay". At sya ay lumipad papalayo.
Ako'y na tulala, napa isip, at nag muni muni. Tinatanong ang sarili, "Sino nga ba dapat kong mahalin? Sino ba ang aking napupusuan?". Ang mga agam agam na ito ay bitbit ko habang ako'y nag lakad lakad, tinitignan bawat dumadaang tao, iniisip kung sila ba ang nararapat. Hawak ko nga ang palaso, nasakin na ang pag kakataon, ngunit ako ay nag dadalawang isip pa rin.
Di mawari ang mga nakaraang pagibig, sa tagal ng panahon na hindi na tayo nag kikita at nag uusap, larawan mo pa din ang nasa isip ko, bawat araw na pag gising ko ikaw pa din ang hinahanap ko. Maraming beses ko mang hanapin sa iba, nalulumbay pa din ako sa mga yakap at halik mo, ikaw pa din ang may hawak ng aking puso.
Alaala ng nakaraan, sariwa pa din sa aking pakiramdam. Bawat araw na lumilipas, walang akong ibang magawa kung hindi itikom ang aking bibig at manahimik. Gustohin ko mang kalimutan ka, ikaw pa din ang tinitibok ng puso ko.
Eto na ang pag kakataon para ibaling ang atensyon at sarili ko sa iba, eto na ang palaso, handa nang ipana kung san man, kung sino man ang mapuntirya. Nguni't hindi ko pa din magawa. sa huling mga salita na ating binahagi sa isa't isa, "Patawad sa lahat, Mahal pa din kita". Pareho man ang nararamdaman, ngunit magkaiba na ang mundong ginagalawan nating dalawa.
At tuluyan ko ng ibinaba ang palaso ni kupido. "Hindi pa ako handa". At tuluyan ko na ngang iniwan ang palaso sa gitna ng mga taong nadaan. Mas kilangan siguro nila to kesa sa katulad kong nag mamahal pa din sa kanya.
Hindi man tayo nag katuluyan, Masasabi ko na tunay ang pag mamahal natin sa bawat isa, hindi man tayo tinadhana, nahanap naman natin ang sarili natin sa ating dalawa. Kung pwede lang natin balikan ang mga nakaraan, kung pwede lang natin ayusin ang lahat, wala akong mamarapating piliin kung di ikaw lang.
Follow me
| Hi! This is sensiblecast / mebu (on discord). If you have reached this point that means you've read my post! and for that, THANK YOU! Feel free to comment down below for any suggestion or reaction, or anything you want me to discuss! 🙂 This will help me create better content than the previous one. Til next time see yalls! |
| Blog platform | #play2earn | Others |
|---|---|---|
| PEAKD | Splinterlands | RentBot Splex.gg |
| HIVE Onboard | Risingstar TheGame | 3speaks.tv |
| Ecency | Cryptobrewmaster | ReadCash |
Tip me? via BNB network: 0x2868d254c938753C4619F4b6A3c0e5734703977f