
Limang Daang Piso

Ako'y nag biyahe papuntang lungsod ng Makati, galing Paranaque,
Dahil sa pag mamadali nais ko di maabala. Lingid sa karamihan ang pagkaalam kung gaano katrapiko sa Maynila. May mga panahon na pag alis ko ng bahay gamit ang pribadong sasakyan, isang oras na ang nakaripas, sobrang layo na ng itinakbo ng sasakyan, pwede akong bumaba, umuwi, uminom ng kape, saglet, at bumalik ng sasakyan, at andon pa din ang sasakyan sa pinagiwanan ko.

Ang pangalan ng aming lugar ay 'Better Living' (Mabuting Pamumuhay), pero parang isang malaking biro kapag ako'y na bihaye, kaya't ngayong araw ay ako'y gumamit ng pampublikong transportasyon. Simula sa aming bahay, sasakay ako ng tricycle papuntang labasan ng subdibisyon, dahil nga't nag mamadali ako ay nag `special trip` na at nag kakahalaga iyon ng singkwenta peso (PhP50.00) at pag dating ko sa labasan andon ang istasyon ng mga jeepney at van bihayeng Makati o Ortigas. Dadadaan na yon sa aking paroroonan, ngunit ang halaga nito ay sisenta pesos (PhP60.00).
Ayon nga at nakaraos, ako ay nasa lungsod ng Makati na at nagutom, at dahil na pag lumbayan ang pagkain sa jollijeep, pinuntahan ko ang lagi kong kinakainan. Sa totoo lang nakakagulat na ang presyuhan. Naalala ko pa noong ako'y nag tatrabaho pa sa lugar na ito, sa halagang kwarenta peso (PhP40.00) ay mabubusog na ako at may sopdrink pa. Ngayon ay umabot ng Syento singkwenta (PhP150.00) ang halaga ng kinain ko.

Umaga palang, gumastos na ako ng dos syento sisenta pesos (PhP260.00), napaisip ako pag umuwi ako halos limang daan na ang magagastos ko. Ganito nalang ba talaga kaliit ang halaga ng Piso? Parang hindi na sulit ang mamuhay sa Maynila.
At ayon na nga, pag katapos kong kitain ang aking kaututang-dilang kliyente, hindi na siya bumili, lugi pa ako sa pamasahe. Alas singko na ng hapon at nakikita ko na ang mga tao ay nag uuwian, kulay pula na ang makikita sa kalsada, "Nako, at mukhang naabutan na ako ng trapiko mahirap nang makauwi nito."

Ako'y nag lakad lakad, simula Valero Street hanggangg Greenbelt 3, muni muni muna sa kadahilanang ganon din naman at gabi na rin ako makakauwi nito, wala din ako balak gumastos dahil lugi pa nga ako sa aking lakad. Ang plano ko ay mag lakad hanggang Makati Cinema Square dahil meron don sakayan ng pampublikong chubibo pabalik sa aking lugar. nang pa daan ako sa may Legaspi Park, tila ba'y may hinahanging nakaitip sa may batuhan, sa una'y akala ko ipis o plastik. Nang ako'y makalapit kulay dilaw at may naka ngiting dalawang pamilyar na mukha.

Napatigil ako at tinitigang maigi, laruang pera ba ito ot tunay? Nilapitan ko lalo at sinilip, parang tunay pero parang hindi, at tuluyang pinulot ko na ito at inusisang mabuti. Aba'y parang tunay nga, at sinubukan kong ipunas sa puting papel, at ito ay nag kulay ng dilaw. "Tunay nga!"
"Ang suwerte ko naman!" sabi ko sa isip ko, at patuloy na akong nag lakad, pag liko ko sa kanto, may isang ale, tila may hinahanap sa paligid, habang kumakapa sa kanyang bulsa at bag, mata'y malungkot at namumugto at nang aking nakasalubong narinig ko ang mga katagang, "Nasan na kaya yon? Pano ako nito makakauwi?".

Hindi ko ito natiiss at lumapit, "Ate, ano po yung hinahanap nyo?" bigkas ko, at siya ang sumagot, "Nahulog ko ata ang aking pera, pauwi na sana ko kanina pa, nguti't nawawala ang huling limang daan ko.." ,tinanong kung saan pa siya nauwi, "Diyan la'ang sa may Pateros iho..", at ayon na nga nakonsensya ako, napahawak sa aking bulsa, at tinulongan ko siya mag hanap ng nawawala nyang limang daang piso sa kalye. "Ate, mukang hindi na natin makikita yung limang daan nyo. Mauna na ho ako sa inyo.", at ako'y nag patuloy sa aking biyahe pauwi.
Ang Wakas...

Siyempre biro lang, tinulungan ko sya at binigyan ng saktong pamasahe pauwi at umuwi ng mayroong bawas na limang daan. 😛 ikaw? ano ang gagawin mo kung nasa ganoong situwasyon ka? Sa hirap ng buhay ngayon, kaya mo ba at maamarapating tumulong sa iba? Okay lang ba na magdamot kung wala ka naman maibibigay? Para sa akin, minsan kilangan natin intindihin ang sarili bago ang iba.
Follow me
| |
 | Hi! This is sensiblecast / mebu (on discord). If you have reached this point that means you've read my post! and for that, THANK YOU! Feel free to comment down below for any suggestion or reaction, or anything you want me to discuss! 🙂 This will help me create better content than the previous one.
Til next time see yalls! |
Hive Ecosystem that will benefit you!
Click on the images below and create your account today!
| Actifit | NFTShowroom | NFTTunz |
 |  |  |
| Track your daily fitness with Actifit | Sell your NFT art with NFTShowroom! | Sell your Music tracks with NFTTunz! |
Tip me? via BNB network: 0x2868d254c938753C4619F4b6A3c0e5734703977f

