Maraming salamat sa mga sumali at tumangkilik sa unang kalahating buwan ng Tagalogtrail. Masaya ako na kahit papaano ay marami na ang nagsusulat sa ating wika dito sa blockchain.
Matatandaan natin na ang reward pool para sa pa-premyo noong buwan nang Mayo ay 20 na Hive mula kay noong nakaraang taon at 650 Ecency points naman mula kay
.
Ang criteria lamang ay ang pagsunod sa mga prompts na nakalagay sa buong buwan nang Mayo, kung nahuli man ang pagpapasa at nakatawid na sa buwan nang Hunyo ay hindi ko na ito binilang pa.
Gamit ang isa kong pang alt account na si pinadala ko na ang mga reward sa mga nanalo ng Hive at Ecency points.
Natapos na ang buwan nang Mayo, pero tuloy-tuloy parin ang prompts sa munting komunidad na ito. Maari ka paring sumali at sa araw nang Linggo ang anunsyo sa kung sino-sino ang mga nanalo ng Hive at Ecency points ulit.
Ayun lang salamat sa pagsali at kita-kits sa mga susunod na anunsyo.