Mahigit isang buwan na nagpahinga ang Tagalog trail sa patimpalak dahil sa abala ang inyong lingkod sa trabaho. Ayan para sa ikakabatid ang buwan ng Marso, Hunyo, Setyembre at Disyembre ang mga abala kong buwan kaya malamang sa malamang hindi ako ganun ka aktibo sa mga nasabing buwan.
Ngayong nagbabalik ulit tayo sa ating patimapalak at ito ang ating mga prompts:
Team Bahay o Team Gala?
|
|
Photo by Patrick Perkins on Unsplash |
|---|
Marami sa atin ang nakabakasyon ngayon (sana ol! may pasok parin ako sa trabaho hanggang ngayon). Kung ikaw ay nakabakasyon ngayon, saan ka papunta o nagbabakasyon ngayon? o #teambahay ka din?
Kung Makapulot Ka ng 500 sa Kalsada?
Photo by Mari Gimenez on Unsplash
Kita mo ba ang ngiti ni Tita Cory at Ninoy? Paano kung makapulot ka ng limang daang piso sa kalsada. Ano ang gagawin mo? Hahanapin mo ba ang may-ari nito o itatabi mo at gagamitin sa personal na pangangailangan?
Dear Boss,
Photo by Icons8 Team on Unsplash
Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon na sumulat para sa isang tao na nasa mataas na posisyon, maaring ito ay iyong boss sa trabaho, senador, presidente ng kumpanya o kahit na presidente ng bansa ano ang gusto mong sabihin sa kaniya?
Mangyari lamang na ipost ang iyong akda sa TagalogTrail na komunidad para mapasama sa aking pagpipilian.
Mga alintuntunin
- Gamitin ang #Tagalogtrail sa unang tag.
- Ipost sa TagalogTrail na komunidad
- Gumamit ng mga larawan na copyrights free at ilagay ang link kung saan nakuha ang larawan. Kung ito ay iyong kuha, mangyari lamang na isaad na ang iyong larawan ay mula sa iyong selepono o kung ano mang kagamitan.
- Maari ang Tag-lish o kaya naman ay Bilingual na post (para magkaroon parin ng pagkakataon na ma curate ng ibang lahi.
- 250 salita o higit pa. Hindi kasama ang mga palabok na wika gaya o paunang mga remarks.
- Maaring mula sa imahinasyon ang iyong akda.
Premyo
🥇 5 Hive sa Kampeon
🥈 3 Hive sa Unang Karangalan
🥉 2 Hive sa Ikalawang Karangalan
Ang patimpalak ay magtatapos sa Sabado ganap na 12:00 ng madaling araw. Sa lahat ng sasali maraming salamat at mabuhay tayong lahat!