Ang pasulpot-sulpot na patimpalak sa Hive blockchain ay nagbabalik ulit para sa mga bagong prompt.
Larawan mula kay Tom Barrett sa Unsplash
Ngayon naisipan ko na mag-focus sa iisang paksa at iyon ay ang Pagkakakilanlan. Abala parin naman tayo sa mga bagay-bagay ngunit gayunpaman mas maganda na mayroon tayong munting gawain dito sa Hive.
Para din ito sa mga nahihirapang mag-isip sa akdang Ingles at sa mga baguhan pa lamang.
Narito ang mga tanong na maari mong pagpilian ngayong linggo.
Lahat tayo ay may mga taong hinahangaan sa buhay. Maaring sila ay taong malapit sa atin, artista o personalidad. Pwede din namang kaibigan atbp. Sino ngayon ang hinahangaan mo? Maaring hindi ito taga Hive basta isang tao na sa tingin mo ay kahanga-hanga sa iyong paningin at kung bakit?
May mga bagay na tingin nang mga tao na kaya nating gawin ngunit hindi ikaw sigurado kung totoo ba iyon. Ngayon ano ang isang bagay na sa pakiwari nang iba ay kaya mong gawin ng mahusay?
Isang araw nagising ka sa katawan nang isang tao. Sino ang iyong napili at bakit siya ang napili?
Mga alintuntunin
- Gamitin ang #Tagalogtrail sa unang tag.
- Ipost sa TagalogTrail na komunidad
- Gumamit ng mga larawan na copyrights free at ilagay ang link kung saan nakuha ang larawan. Kung ito ay iyong kuha, mangyari lamang na isaad na ang iyong larawan ay mula sa iyong selepono o kung ano mang kagamitan.
- Maari ang Tag-lish o kaya naman ay Bilingual na post (para magkaroon parin ng pagkakataon na ma curate ng ibang lahi.
- 140 salita o higit pa. Hindi kasama ang mga palabok na wika gaya o paunang mga remarks.
Premyo
🥇 5 Hive sa Kampeon
🥈 3 Hive sa Unang Karangalan
🥉 2 Hive sa Ikalawang Karangalan
Ang patimpalak ay magtatapos sa Sabado ganap na 12:00 ng madaling araw. Sa lahat ng sasali maraming salamat at mabuhay tayong lahat!