**Nangarap at nagsumikap,
Buong araw buhos sipag
Tagak-tak ng pawis di alintana
Basta't para sa pangarap.
Sa dayuhang lupain piniling tahakin
Ngunit ang pagsubok ay puno ng pighati
I-aalay ang buong lakas kumita lang ng malaking salapi
Matamasa lang ang ginhawang pangarap sa buhay.
Mapalad ka kung naging mabait ang amo sa iyo
Masuwerte ka kung may pagpupuri sa gawa mo
Sa kabilang banda Hindi lahat ay mapalad sa amo
Kamalasan ang inaabot ng iba kung hindi magkasundo.
Bakit magtatagal pa kung inabuso ka na ng kompanya?
Bakit magtitiis pa kung halos ikakamatay mo na?
Malabo ang hustisya sa disyertong walang balon
Suntok sa Buwan lang ang Buhay sa dayuhang lupain.**