Naalala mo ba nung panahong una-una?
Kung gaano tayo kasaya?
Madalas tayo ay magkasama...
Pagsikat ng araw hangang sa dapithapon na.
Madalas sinusundo mo ako pagkatapos ng trabaho
Naglalakad ng masaya, hawak-kamay pa tayo
Kay sarap sa pakiramdam damang dama ng ating puso
Hindi magwawakas ang pagmamahalang ito
Dumating ang araw na ako ay iyong niyayang pakasalan
Lumundag ang puso ko sa sobrang kasiyahan
Hindi mo lang alam kung gaano ko katagal itong hinintay
Ang sambitin mo na ako'y iyong gustong pakasalan.
Dumaan ang mga araw, gabi, linggo at buwan
Tayo'y walang kapaguran sa preparasyon ng ating kasalan
Pero nung nalalapit na ang araw ng pangakuan
Bakit ako ay biglang nag-alinlangan sa iyong katapatan?
Binalewala ang nararamdaman
Malamang ito ay halo-halong pakiramdam lamang
At pinagpatuloy ang pagmamahalan
Ngayon ang araw ng ating pangakuan
Ng ating pagmamahalan sa harap ng ating mga minamahal
At ikaw at ako hanggang kamatayan
Nagsimula na ang seremonya ng pag-iisa
Pero bakit biglang huminto ang aking kapaligiran
Nang biglang narinig ko ang sigaw
"Itay kami ay wag mong iwan!"
Ako ay napalingon sa aking narinig
At nakita ko ang batang sayo ay papalapit
Tiningnan kita ng may pagtataka
At sabay tanong "Mahal ko, sino siya?"
Nagpaliwanag ka pero ako ay parang nabingi
Sa hindi ko inaasahang iyong sasambitin
"Mahal ko, anak ko siya sa una kong kasintahan".
Ako ay nanlamig na para bang binuhusan ng malamig na tubig
Tama ba ang aking narinig? May anak na sya, na d nya nabanggit?
Humagulhol ako at sabay takbo palabas ng pintuan
Kahit alam ko hinahabol nya ako at panay ang sigaw ng...
"Sorry na mahal ko, hindi ko na sila mahal at ikaw na ang aking buhay!"
Ang pangarap ko na mahalin ka habang buhay
Ay inihimlay ko na kasama ng puso kong sugatan
Dumaan ang mahabang panahon
Marami na akong bagong nakilala at nakasalimuha
Pero ang puso ko ay matagal ko ng ikinulong at hindi na pinalaya
Pero ewan ko ba bakit ganoon na lamang
May nararamdaman ako sa isang lalaking halos bagong kakilala pa lamang
Siya na ba ang aking kailanman?
Pero natatakot ako baka ako ay iwan lamang
Pinakita niya ang aking kahalagahan
At binago niya ang aking kaisipan
Lalong-lalo na ang aking nararamdaman
At dahil sa kanya, muli kong binuksan ang aking puso
Na ngayon ay tinutumbasan ang kanyang katapatan,
At pagmamahal na wagas kailanpaman...
Salamat po sa pagbabasa _
May mga hugot ba kayo sa inyong mga buhay? Halika na kabayan sali na sa aming patimpalak.
Have you voted your witness?
Consider casting your witness votes for (
),
,
,
,
,
,
and
who have been adding invaluable contribution to the community.
To cast your votes, just go to https://steemit.com/~witnesses
Hanggang sa muli! _