Oh aking mahal na tiyahin, na ubod ng bait at may busilak na kalooban.
Akala ko ay mahal nyo kami,
Dahil iisang dugo ang nanalaytay sa ating laman.
Iyon pala'y ginawa nyo lang kaming investment.
Akala ko'y ang pagtulong nyo'y wagas at totoo sa inyong puso,
Iyon pala'y sa bandang huli, balatkayo lamang pala, na naniningil hanggang sa kahuli hulihang sentimo na inyong naitulong.
Salamat sa sumbat na aming natamo mula sa inyo.
Salamat sa pangmamaliit at pang lalait sa aming pamilya.
Kami ay hindi nagbago, na inyong inaakala
Kami ay hindi kailanman naging mapag mataas
Kami ay natutong umiwas sa mga tao at bagay na nakakasakit sa aming puso at damdamin.
Ganunpaman maraming salamat sa lahat ng naitulong nyo.
Kailanman ay tatanawin naming malaking utang na loob, na hindi matatawaran.
Tama na ang mga masasakit na salita,
Tama na ang mga panglalait at pang mamaliit.
Walang patutunguhan ang kaguluhang ito.
Napaka ikli ng buhay, upang gugulin sa walang katuturang away.
Tayo ay dapat magpatawaran
Tayo ay dapat mag mahalan
Dahil tayo at iisang dugo at laman.
Ito ang mga batang minsa'y inyong tinulungan
Inyong tandaan hindi namin kayo tinatalikuran, kami'y lumalayo dahil kami'y nasasaktan
Please like
on Facebook and Twitter: