CREDIT TO Lbella Pixabay
Ito ang katauhang talagang maiiba
Talagang kakaiba sa kanyang mga likha
Sa ating nalalaman, Adan ang uri niya
Pero para sa kanya may puso siyang Eba
May mga taong kami ay nilalait
Pero di nila alam ito'y nakakasakit
Mga masasamang salita na talagang napakapait
Tila, lahat sa ami'y ito ang hinanakit
Minamaliit nila kami kung minsan
Ito halos ang tingin ng ibang mamayan
Di nila alam na marami rin kaming kakayahan
Mga talentong di basta-basta lang
May mga ibang tao na kami ay pinupuri rin
Dahil sa kakaibang talentong taglay namin
May mga taong kami'y napagkakamalan rin
Para daw kaming mga babae sa kanilang paningin
Kung ating mararapati'y di ito kasalanan
Adan pa rin ito na may ibang katangian
Pero pagkabading, ay dapat gamitin sa kabutihan
Dahil maraming talento ang mapapakinabangan
Sabi ng iba, kami'y salot sa lipunan
Laging nanghuhusga sa lahat ng kabadingan
Oo, nga't sila'y totoong mga Adan
Pero ito'y ginagamit ng iba sa kasamaan
Kaya kami ay inyo rin respituhin
Pantay-pantay tayong lahat sa kanyang paningin
Kami'y tanggapin, mahalin at galangin
Dahil tao rin kaming may puso't damdamin
Whatever our different situation in this world, we are all one, we are brothers and sisters. We should respect each other, girl or boy, transgender or lesbian we should give them a respect and treat them well. In God's eyes we are all the same, we are equal. Every human in this world have the right to be happy, so stop bullying, instead show them your full support and let them feel that they have the right to live and enjoy the world.
God bless steemians
SOAR HIGH, FLY HIGH STEEMIANS
I voted as my witness here. I also voted
as my proxy.
I am a part of and #steemitachievers. Join us on discord!
Steemitfamilyph Discord
SteemitAchievers Discord