Ang una kong isinulat at ibinahagi sa steemit ay isang pagpapakilala. Ang aking sinulat sa pagpapakilalang iyon ay isang bahagi lamang ng aking buhay. Isinalaysay ko duon kung paanong isinasabuhay ko ang aking pangarap na makapag lakbay sa buong mundo sa pamamagitan ng aking napiling hanap-buhay. Ako ay isang “cabin crew” para sa “Emirates” at nakapagbahagi na ko ng aking paglalakbay sa pitong magagandang lugar sa mundo. Ang mga larawan sa baba ay mula sa mga paglalakbay na yon.
My first article in steemit is one introducing myself. That introduction only shares one aspect of my life though. It covers how I am living my dream of travelling the world. I work as a cabin crew at the Emirates, and I have shared my travels to 7 beautiful cities so far. The pictures below are taken from those travels.
Bukod sa pagiging manlalakbay, ako ay ina, kapatid, anak, at nobya. Ang lahat ng aspetong ito ng buhay ko ay mas mahalaga kaysa sa aking mga paglalakbay. Ang pagsusumikap upang patuloy na mapagbuti ang aking sarili ay aking iniaalay para sa mahal kong pamilya. Matapos libutin ang mundo nais kong umuwi sa Pilipinas at mamuhay ng simple, kasama ang aking pamilya. Ang mga larawan sa baba ay kasama ang aking mga mahal sa buhay.
Other than being a traveler, I am a mother, a sister, a daughter, and a fiance. These aspects of my life are far more important than travel. My quest to continue improving myself are all for my family. After travelling the world, I would want to go home to by beloved Philippines and live a simple life with my family. The pictures below are with my love ones.
Ako ay Pilipino at ito'y ipinagmamalaki ko. Sa dinami-daming lugar sa mundo man ang napuntahan, Pilipinas pa din ang aking babalik-balikan. Saan man sa mundo, ipinagmamalaki ko ang aking pagkapilipino. Ang mga larawan sa baba ay kasama si Jollibee at pamamasyal sa Vigan.
I am proud to be a Filipino. Being in many places in the world, there is just one place that I'll never grow tired of coming back to; the Philippines. No matter where I am in the world, I always show my pride of being a Filipino. The picture below is with Jollibee and our travel to Vigan.