Noong aking kabataan ay napakalayo sa ibang kabataan na ang ginagawa ay kundi laro lamang, kahit anung gustong maibigan ay gagawin. Sa akin naman ay iba dahil marunong na ako sa lahat ng gawaing bahay kung baga akoy responsible na dahil ang aking mga magulang ay naghanapbuhay ng maag dahil sa kami ay napakahirap lamang,ako po ay maagang magising para magsaing,maglinis ng bahay lahat ng gawaing bahay ay gagawin kuna sa totoo lang mga magulang ko ay sobrang higpit nila sa amin NASA bahay lang kami di pwedeng pupunta sa kapitbahay para lang makipaglaro sa kapwa ko bata.
Matatawag ko na akoy responsible kahit nasa murang edad pa lang dahil iniiwan na kami ng aming mga magulang para maghanapbuhay sa malayo natatandaan ko nong iniwan kami ni mama at papa dahil nag copra sila malayo ang lugar na yon sa amin iniwan kaming limang magkapatid at mayrong pa kaming maliit na kapatid ung bunso namin siya ay isang taong gulang pa lang pero sa murang edad ko ay naaalagaan ko ang apat kung kapatid.
Kampante ang aking mga magulang na iyan kami dahil nakita nila na kahit akoy NASA murang edad pa lang ay maaasahan na nila kaya Hindi ko na experience ang pakikipaglaro sa kapwa ko bata mature na akong mag isip kahit NASA murang edad pa dahil tinuruan ako ng aking mga magulang kung paano maging responsible kahit na sobrang hirap dahil naiisip ko minsan na Hindi ako nila Mahal dahil lagi akong pinagalitan noon.
Kahit akoy NASA elementary pa lang naiisip ko din minsan na Hindi ako nila anak, pero sa ngayon na akoy NASA wastong gulang na ay naiintindihan ko na at nagpapasalamat ako sa aking mga magulang dahil malaki ang naitulong sa akin ngayon lalo na akoy may sariling pamilya na.