"Pare. Tuloy na ba ulit ang pagpapapako mo sa Krus", tanong ni Caloy ang kanyang kaibigan na tirador ng side mirror. "Oo naman, sana mapatawad ako ng Diyos sa lahat ng naging kasalanan ko ng isang buong taon ulit", wika niya.
"Sya nga pala ito yung parte mo sa transaksyon natin kanina. Seben-tu yan ha. Pantay lang tayo", at iniabot ni Caloy ang napagbentahan nila ng droga sa mga nag-aalaylakad. "Salamat Pare, buti sinama mo ako rito. Mas malaki ang kitaan. Inom tayo sagot para makabawi naman ako sayo. At, bawal na mag-inom bukas kasi Biyernes Santo?", sambit niya.