Nasaan kana?
Sa iyong yakap ako'y nangungulila.
Hinahanap hanap iyong alaga at pag-aruga,
Ako ay naghihintay, itay nasaan kana?
Pagkamulat ng aking isipan,
Kayo ni ina, tinuring akong yaman.
Doble kayud,sakripisyo at pagsisikap,
Lahat ginawa maiahun lang sa hirap.
Pinag aral hanggang kolehiyo,
Lahat binigay makapagtapos lang ako.
"Magtatapos ako" sambit ko sa sarili
Para makaahun at iyong ipagmalaki.
Ngunit mga pangarap koy biglang gumuho,
Ikay lumisan dulot ng isang delubyo.
Di ko lubos akalain na ikay mawawala,
Di ko matanggap at lubos na nabigla.
Ama nasaan kana?
Bumalik na kana, ang iyong pangarap ay tinupad ko na.
Nakapagtapos na ako tulad ng sabi mo
At handa na akong suklian lahat ng iyong sakripisyo.
Itay nasaan kana?
Gusto kong madama uli ang iyong pagkalinga.
Para sa pangarap mo nagtiyaga akot nagsikap,
Ngunit wala kana at huli na ang lahat.
Di ko man lang nasuklian ang iyong paghihirap,
Ni di man lang ako nakapagpasalamat.
Salamat Itay, hanggang sa huling sandali,
Mga alaala moy habambuhay sa puso ko mananatili.
I wrote this poem for my beloved father who was a victim of Typhoon Yolanda. I just want to give thanks for all of his sacrifices just to uplift us from the state of life we have before. He is a good father to our family and a best friend of mine.
To my father;
"Where ever you are, I want to say thank you and we love you so much father. We miss you so much! Sorry for all the things that I have done wrong. And I promise, I'll take good care of our family. I know you are happy right now together with our Almighty Creator."
To those who are still have their parents, treasure and let them always feel you love them. Time is not predictable, we didn't know what will happen later ,tomorrow and in future. God bless us all.
Thank you for reading😄.