source of image
Ako si Bryan, Anim na taon na kami ng girlfriend kong si Ivory. Mahaba na din ang aming napagsamahan, marami na ding pagsubok ang nalampasan. LDR Long Distance Relationship, yan ang aming set-up noong umalis si Ivory upang makipag-sapalaran sa Dubai. Sa una masakit, mahirap at malungkot yan ang naramdaman naming dalawa sa unang pagkakataong malayo kami sa isa't-isa.
Biglang nagbalik sa ala-ala ang mga katagang binitawan mo nung kausap kita.
"Bryan, puro tayo away alam mo yun hindi tayo nagkakaintindihan. Mahal kita, Oo, mahal natin ang isa't-isa pero wala na, wala nang spark ang relasyon nating dalawa."
Ibinaling ang paningin kung saan ay nais kitang makita... Sa dating pwesto mo na sa pag dilat ng mga mata ay matatagpuan kita. Sa tabi ko na mahimbing ang tulog at yayakapin ka..
GALIT, SELOS, PRIDE, balikan ng mali. Minsan hindi ko na alam kung anong pinagtatalunan ng bawat isa pati maliliit na bagay pinag-aawayan. Anong pinaglalaban namin? Parehas kaming talo sa laban na dapat magkakampi kami, masakit na lahat ginagawa ko para magkaroon ulit tayo ng spark pero bakit ganon? Habang lalo kong pinipilit lalong nawawala. Ang dating masaya at magandang pagsasama ay napalitan ng lungkot. Hindi pagbibigayan at hindi pagkakaintindihan.
Bakit nangyari ang mga bagay na ito? Bakit ko piniling manatili kahit na alam kong sa huli ay kabiguan lamang ang matatamo? Bakit ang sakit na makitang ang taong hiniling ko na maging masaya ay nagiging masaya sa piling ng iba?
Natagpuan ko na lamang ang sarili dito sa Mount Ulap kasama ang mga kaibigan. Habang binabagtas ang matarik na kabundukan ay nagbalik ang mga ala-ala ng nakaraan.
Hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako.. hindi na sayo o sa pag-asang may tayo.. kung hindi sa pag-asang isang araw magigising ako, gising na hindi lamang dahil sa dilat ang mga mata... gising na magbabalik sa akin sa reyalidad.
Dapat pa ba kong lumaban pa? O kailangan ko na lang tanggapin ang katotohanan na hindi tayo ang para sa isa't-isa. Napakasayang love story dyan tayo nagsimula pero katulad ng karamihan mauuwi lang ang relasyon sa wala at ang ending ay kalungkutan. 😢😢
Ang aking kwento ay hango sa totoong buhay ito ay inspired story mula sa aking kaibigan na nakilala sa facebook na si (BRIAN) na isang magaling na manunulat ng tula at ng aking pinsan. Pinalitan ko lamang ang pangalan ng babaeng ginamit kong karakter dito at ang tema ng kwento.
Maraming salamat po sa pagbabasa, more powers po sa at sa mga kapwa ko steemian na manunulat din.. maraming maraming salamat po sa mga mambabasa.😘😘