Magandang araw!!
Ako po ay masayang masaya sa aking nacash out sa ating platform na Steemit. Isang napakalaking tulong po para sa akin at lalo na sa aking pamilya ang site na ito.
Una po pala, magpapasalamat ako kay sir para sa tulong niya na pagencash ng aking sbd. At sa mga walang sawang naguupvote sa aking mga likha. Salamat po sa inyo ng marami.
Napakalaking tulong po para sa amin talaga ang Steemit, lalo na sa pangangailangan ng aking anak. Panggatas, diaper, vitamins at iba pa. Dahil na din po sa hirap ng buhay at taas ng mga bilihin, kaya ako'y napipilitan na din na maghanap ng alternatibong pagkakakitaan o pagkukuhanan ng panggastos.
At ayon nga po, bukod sa mga mga pangangailangan ng anak ko, naibili ko pa siya ng swimming pool na matagal ko ng gustong ibigay sa kanya.
Walang pagsidlan ng tuwa at galak ang aking anak ng makita niya ang aking uwi para sa kanya.
Naligo lang naman siya ng mahigit tatlong oras, hahahaha.
Ito ang katas ng Steemit. Kapalit ay kaligayahan para sa mga katulad kong ina na gusto ay mapasaya ang kanilang mga anak.
Maraming salamat Steemit at sa mga taong laging handang tumulong. Salamat po ng marami.
To give
your witness voting decision, visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.