"Halo-Halo"
Isang napakasarap na tula para sa inyong lahat
Halo-halo, isa sa paboritong meryenda ng Pilipino
Iba't-ibang sahog na nilagyan ng yelo
Mabentang mabenta lalo na tuwing hapon
Pampalamig sa tag-init ngayong taon
May saging, ube at sago
Meron ding leche flan at nata de coco
Dagdagan pa ng gelatin at langka
Ang masasabi mo lang ay "isa pa nga"
Kung espesyal naman ang hanap mo
Pwede din lagyan ng ice cream sa taas nito
Ang iba'y nilalagyan din ng macapuno
At tiyak aapaw sa laman ang baso mo
Payo lang, lagyan muna ng laman ang tiyan
Bago ang halo-halo ay lantakan
Dahil baka ika'y malamigan
Para masaya lang tayo kaibigan
To give
your witness voting decision, visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.