"Nasaan ka na?" Lumipas na ang limang araw mula nung sabihin mong babalik ka na. Ngunit wala pa rin. Ni anino mo hindi ko makita.
Masaya nuon ang magkasintahang Basilyo at Crispin. Sila yung tipo ng magkasintahan na mahirap paghiwalayin hanggang sa dumating ang araw na kanilang ikinalungkot dalawa.
"Kelangan mo ba talagang umalis? Pano ako? Pano tayo?" Mga nasambit ni Basilyo habang tumutulo ang luha at nagmamakaawang huwag nalang umalis si Crispin.
"Kailangan kasi eh. Limang araw lang naman. Limang araw at babalik na ulit ako. Pangako yan." Pagpapaliwanag ni Crispin sa pagbabasakaling gumaan ang loob ni Basilyo.
Dumating ang umaga at kailangan na nilang mamaalam sa isa't-isa. Malungkot na pagpaalam sa umagang maaraw.
Sa bawat araw na lumipas, tanging mukha ni Crispin ang kanyang nakikita. Hindi niya alam ngunit tila mayroong mali. Isang araw palang ang lumipas ngunit kakaiba ang kanyang nadarama.
Lumipas ang limang araw at walang Crispin ang dumating. Buong araw naghintay si Basilyo pero walang Crispin.
Anim, pito, walo hanggang naging isang buwan. Hindi napagod kakahintay si Basilyo kahit na kaunting pagod.
"Nakakapagod pero kaya kong maghintay. Masakit, pero kaya kong maghintay. Kaya kong maghintay dahil mahal kita, Crispin".
Sabay tulo ang luha.
Pahabol sa ginawang paligsahan ni . Palawakin ang gawang Pilipino.