Bata palamang ako ay matagal ko nang pangarap ang maging isang sundalo. Nais kong tulungan ang mga nangangailangan at gusto kong iligtas ang bayan. Ako si Miguel, 75 taong-gulang na naninirahan ngayon sa Zamboanga Del Sur.
Matagal ng gusto ng asawa ko na tumigil sa pagkasundalo dahil takot na takot siya sa maaring mangyari sa akin.
"Mahal? huminto ka na sa trabaho mo. Paano na kaming mga pamilya mo? Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko kong mawawala ka sa amin." wika ni Tina, asawa ni Miguel.
Ngunit kahit ilang ulit na akong sinasabihan, minsan napaisip ko ang bayan namin. Paano kung bigla na lamang aatake ang mga rebelde? Sino ang liligtas sa bayan ko?
Dumating ang araw, ay may giyerang nangyayari sa aming bayan. Buti na lamang at bumalik sa Cebu ang aking pamilya upang magbakasyon doon. Nanatili ako sa Zamboanga at patuloy naming pinuksa ang mga terorista.
Isang araw, Naglakad ako kasama ng mga ka tropa kong sundalo papunta sa ilog upang kumuha ng tubig na iinumin. Sa di inaasahan, inatake kami at sampu lamang kami. Nakita ko ang pagbagsak ng aking kasamahan. Hindi kami nakapaghanda kaya ganoon na lamang ang nangyari. Napatay ang lahat ng kasama ko. Dahil sa aking takot, nagkunwari na lamang ako na patay. Nilapitan nila kami at siniguro kung patay na nga ba talaga. "Sige, lagyan niyo ng bomba ang mga iyan!" sabi ng isang terorista.
Dahan dahan akong gumapang sa may damohan. Sumabog bigla ang bomba at hindi ko na namalayan kung ano ang nangyari. Nahimatay ako at paggising ko ay nasa isang kuwarto na ako. Nagulat ako baka nasa mga kamay na ako ng mga terorista. May isang babaeng biglang pumasok sa kinaroroonan ko. "Nasaan ako?" sabi ko sa kaniya. "Wag kang mag ala-la ligtas ka na sa amin."
Nalaman ko na lamang na nasa Malaysia na pala ako. Sabi ng babae sa akin, nakita daw ako ng ama niya na duguan kaya dinala niya ako sa Malaysia sa pamamagitan ng bangka. Gusto ko nang umuwi ngunit pinigilan nila akong makauwi. Sabi nila sa akin, hinding-hindi ako makakauwi dahil wala na akong masasakyan. Binenta ng ama niya ang bangka kasi wala na silang pera. Natakot ako at baka hindi ako makauuwi sa amin.
Ilang buwan na ang sumapit ngunit hindi pa ako nakakauwi sa amin. Takot na takot na ako baka nag alala na ang pamilya ko sa akin. Sinubukan kong gumawa ng bangka gamit ang kawayan, ngunit palpak ang lahat.
Hanggang 50 taon na ako sa Malaysia at hindi pa rin ako nakauuwi. Wala akong pamasahe pabalik sa Pilipinas kaya't hindi ako makakauwi. Dumating ang araw, nakahanap ako ng paraan sa wakas. Tinulungan ako ng isa sa kapwa Pilipino kong makauwi.
Nang makauwi na ako, ibang-iba na ang bayan namin. Agad kong pinuntahan ang bahay namin sa Cebu ngunit nagulat na lamang ako sa nangyari. " Anak?" yinakap ko siya ng mahigpit. Tinanong ko siya kung saan ang ina, ngunit nang mabatid ko ang nangyari, labis akong nagdalamhati.
Ang aking ina at ama ay namatay dahil sa pag alala sa akin. Hindi nila matanggap ang nangyari sa akin. Inambush kami ng mga pesteng terorista. At ang alam nila ay napatay na ako. Ang asawa ko nabaliw at dahil nito, tinali siya sa puno, at kinalauna'y namatay. Hinding-hindi ko matanggap ang pangyayari. Nagsisisi ako kung bakit ako nag sundalo. Nagsisi ako kung bakit hindi ko pinakinggan ang sabi ng asawa ko sa akin.
Ngayon ay naninirahan ako sa Zamboanga kasama ang anak kong si Ben. Umaasa ako na maibabalik ang lahat. Hanggang Panaginip na lamang ko makikita ang asawa, ina at ama ko.