Image source: rmn.ph
Nagkagulo ang buong siyudad sa nangyaring giyera. Nais sakupin ng mga terorista ang napakatahimik na lugar na puno ng pagmamahalan at may pagkakaisa. Nais nilang maangkin ito at mamuno sa lugar na hindi nakisamsam ang gobyerno.
Sa kabila ng lahat ng giyerang nangyayari sa siyudad, patuloy na nakikibaka ang mga mga sundalo upang mailigtas ang mga inosenteng tao na ang tanging hangad lamang nito'y "pagkakaisa".
"Marawi" isang lugar na dating may nakatirang napakasiglang tao, mga taong mapagbigay, mabait at matulungin. Sa di inaasahan, ay sinira ng mga peste ( terorista ) ang napakagandang halaman ( ang mga tao ).
"Pa? Mag-ingat ka diyan ha? Diba, uuwi ka pang ligtas? " Salitang lumabas sa bibig na puno ng kaba at takot - ang anak ni Romel, isang sundalong nakipagbakbakan.
Naiyak si Romel, sapagkat alam niya na ang buhay niya ay 50:50. Ngunit siya ay puno ng tiwala sa Diyos na malampasan lahat ng mga problemang kinakaharap niya at pati sa kanyang bayan. "Kung oras ko na, ay oras ko na" salitang sinabi niya sa kanyang sarili ( umiiyak )
Patuloy napakaingay na balita sa radyo at telebisyon tungkol sa giyerang nasapit, marami ang natakot at marami din ang namatay.
Ang pamilya din ni Romel ay takot na takot baka ano na ang nanyari sa kaniya.
Pagkatapos ng Limang buwan- natapos ang bakbakan sa Marawi. Maraming inosente ang namatay. Maraming tao ang nawalan ng tirahan. Maraming tao ang lalong humirap sa sitwasyon at higit sa lahat, maraming sundalo ang namatay, nang dahil sa'yo.
Namatay sila dahil sa pagligtas nila sa bayan.
Si Romel din ay namatay.
Ang mga terorista ay naubos sa awa ng Diyos.
"Ang pagkamatay ng aking ama ay labis kong ikinalungkot. Ngunit hindi ko sinisi ang Diyos, al kong namatay siyang isang bayani- na ang nais lamang ay ang matulungan at di malagay sa alanganin ang bayan."
Isa itong aral na dapat di kalimutan magpakailan man.