"Manalo sa Palanca!"
Elementarya, siya ay gumawa ng sariling akda gamit ang mga papel sa likuran ng kanyang mga kwaderno napuno ito ng mga ideya. Ideya na kung saan lumalakbay, umiiyak at tumatawa ang karakter sa isip niya. Mayroon bang nakabasa? Wala ni isa.
Ang kwaderno na kung saan nakatala ang kanyang pakikipagsapalaran ay nakuha ng iba.Kinutya at pinagtawanan ang kanyang sa likha na sa tingin niya ay obra. Dito na siya nawalan na ng kumpiyansa. Nilimot na ng bata ang mga karakter sa kanyang isipan, masakit man pero iyon din ay kailangan.
Tiwala sa sarili ay unti-unti nang naubos parang isang kandilang biglang naupos.
Sa isang pook-sapot na kung tawagin ay Wattpad unang sumubok ang binata sa pagsusulat, ngunit sa dami ng tao ring nagsusulat at halos kabataan ang lahat naisip niya na ito ay hindi uubra sa kaniya. Hindi naglaon, isang bagong pook-sapot ang kaniyang sinubukan pangalan ay Steemit.com na naipalabas kailan lang.
"Wala namang mawawala hindi ba" sambit ng binata sa kaniyang sarili habang unti-unting tinatahi ang kaniyang mga istorya.
Tanging magagandang bagay ang kaniyang natanggap mula sa kanyang mga sinulat, at unti-unti ang kumpiyansa niya sa sarili at bumabalik na. Bagama't kakaunti lamang ang tagabasa naramdaman niya na dito siya nabibilang. Dama niya na ang bawat likha, karakter sa isip at nadarama niya ay biglang nagkakaroon ng halaga. Mula sa reaksyon ng mga mambabasa unti-unti ang kanyang pagnanais na sumulat muli ay bumabalik na.
"Ang Palanca makakapaghintay iyan. Lalo pa akong magpapakahusay dito sa aking larangan". Masayang nasabi ng binata habang itina tayp ang kanyang mga akda.
Siya nga pala ako ang bida ngayon dito sa aking munting likha.
Ito ang aking piyesa sa patimpalak na inilunsad ni bagama't hindi ako taga Cebu nakalagay sa paanyaya na ito ay para sa lahat ng Pilipino upang palawakin ang sakop ng Wiking Filipino sa steemit. Ang akda ngayong araw ay nagmula sa malikot na pag-iisip ni
ngunit di gaya ng mga nauna kong gawa ito ay pawang katotohanan at nawa ay nakilala niyo ako ng kahit papaano at nalaman ninyo kung sinu-sino ba ang impluwensyang mayroon ako.
Mga Pinagmulan ng larawan
1 2 3
Be a member on our Facebook page -- Click this Link