Bakit hindi mo batid ang gusto kung ipahiwatig?
Bakit hindi mo maintindihan na ayoko nang balikan ang mga nakalipas na?
Mahirap bang unawain ang salitang ayoko?
Mahirap ba?
Nakiusap ako sayo na h'wag nang balikan pa ang mga nakalipas na kahapon.
Mga panahon na matagal ko nang inilibing sa limot.
Ngunit muli mo itong binabalik-balikan sa tuwing na aalala mo ang iyong dating sinisinta.
Alam kong sya parin ang nasa isip at puso mo sa tuwing tayo'y magkasama.
Masakit man isipin ngunit isinasantabi ko nalang ang mga sakit na nararamdaman.
Mahal kita o aking sinta ba't hindi mo makita at maramdaman?
Pasensya na, kung ayaw kong magsalita o makinig sa mga tanong mong walang katapusan.
Pasensya na sa tuwing hindi ako sumasagot sa bawat tanong mo.
Ngunit sa tuwing pag iwas,masasakit na salita at pasa ang aking natatanggap.
Sa bawat salitang iyon, puso'y unti unting nadudurog.
Akoý napatanong sa aking sarili kung ito ba ay TAMA PA o TAMA NA?
Image source: 1