Pinilit mawala ngunit sadyang di kayang mag panggap
Pinilit mag panggap pero di pa rin sapat
Pinilit kong tumakbo pero bumabalik parin sa ala-ala mo
Pinilit 'wag pansinin pero mahirap tiisin
Pero sadyang mahirap kang intindihin
Hindi mawari kung san lulugar
Ano ang sasabihin?
Paano mo makikita ang hindi mo maintindihan?
Paano mo ihahayag ang di mabanggit ng isip?
Lumulubog din ang araw
Nauubos din ang ulan
Nalalanta ang mga dahon
Nagbabago ang damdamin
At napapagod din ang puso
Paalam na muna sa damdaming pinilit ikubli
Hanggang sa muling pagtatagpo ng ating mga ngiti