Oo, Sinungaling ako,
Mahal kita yan ang totoo,
Hindi ko magawang sabihin
Dahil huhusgahan nila tayo
Oo, Sinungaling ako
Kahit anong tanong nila
Kung gusto Kita Ang tanging sagot ko Lang
Ay Hindi, dahil Hindi pwedeng maging Tayo
Oo, Sinungaling ako
Kasi kahit gaano Kita kamahal
Hindi ko maaaring sabihin sayo
Dahil Alam Kong iba ang Mahal mo.
Oo, Sinungaling ako
Takot akong malaman mo
Ang nararamdaman ko
Dahil baka sa huli ako'y kalimutan mo.
Oo , Sinungaling ako
Kasi ito lang Ang tanging Alam ko
Para protektahan Ang sarili
Kahit SA huli'y nasasaktan pa Rin ako.
Oo, Mahal kita
Mahigit pa SA inaakala mo.
Mahal kita!!
Yan ay totoo
Dito ko Lang sasabihin
Malayo SA mga taong
Huhusga SA pagkatao ko
Mahal kita sana'y malaman mo
Hindi ko man nasabi NG personal
Pero sana'y dumating Ang araw
Na iyong mabasa Ang Tula Kung ito
SA panahong iyon
Malamang ay Hindi Tayo
Pero Alam kung kaibigan pa Rin
Ang Turing ko SA inyo .
Mahal kita,
Sana'y Mahal mo Rin ako