Sabi ng kaibigan ko" ate anak ko problema ko d ng aral ng maayos nagbabarkada"
May anak may bisyo
Mayroon din isa asawa pabigat
Mayroon din iba biyenan ko nakialam
Mayroon din gusto bilhin lahat agad agad mga appliances
Mayroon nag aaral anak huminto
Mayroon asawa pag sweldo lang ng ti txt at hindi man lang mangumusta
Mayroon din matino ang anak at asawa doon dito naman ang may problema
Mayroon din matino ang asawa at anak sa pinas pero ang ngtatrabaho nman ang nghihirap sa ugali ng mga amo at abuso,,
Ibat ibang senaryo na mahirap bigyan ng kumento,,kasi d natin alam ang puno at dulo sa mga dinadaing ng bawat panig,
Sino ang ngkukulang?o sino may pagkukulang kasi minsan hindi lang nman.pera ang kailangan kundi mas higit ang presensya ng isang asawa o magulang,,,
Ngunit dapat bang may sisihin o magsisihan?
Pakiusap po nman mga anak o asawa sana po irespeto ang kapakanan at bigyan halaga ang pinaghihirapan ng asawa o mga magulang dahil po hindi biro ang aming pinagdaanan,,,
Aking naisipan lang po tuwing may pinag usapan lhat may suliran
Ngunit ang mahalaga po ay kaya natin itong labanan ng walang atrasan,,,
Pagmamahal at respeto po aming kailangan,,,
Patak ng aming pawis at luha
mahal ang kabayaran
Umaasa may pag asa pa
Kami ng magandang kinabukasan
Mga luha namin ay maging ginto
Pagdating ng panahon
Doon sa kabilang buhay
Kung wala man dito sa mundo