Gaano kasakit?
Hindi pa ba ako sapat?
Ano ang nararapat?
Pera lang ba?
Gusto mo ba malaki?
At saka mahaba?
Okay simulan natin sa ganito. Sisikapin ko na hindi palagpasin sa 1,500 na salita. Paano nga ba ako nakapag-moveon sa mga masasakit na dinanas ko sa kamay nila. Hindi naging madali kasi sa'kin e. Mantakin mo, noong ako'y nag-aaral pa tiga F.E.U iyong pinaka matagal kong nakarelasiyon tapos nang nagkahiwalay kami ang sumunod ko naman inibig ay tiga F.E.U din. Hindi ko alam kung malupit talaga sa'kin ang tadhana. O malapit lang talaga ako disgrasiya.
Sa una kong relasiyon masasabi kong hindi naging madali, kasi grabe ang pagmamahal ko sa kaniya e. Andoon iyong hindi ako papasok sa isang subject para lang makapunta ako sa boarding house niya sa may Legarda sa Maynila. Kapag kasi ipinagpalit ka sobrang sakit e. Mabuti pa lang at medyo bata pa ako nito 1st year college lang kaya medyo nakakalimut limutan ko dati kahit papaano. Kami kasi kapag gumugimik kaming mga magkakaibigan doon kami sa madaming babae talaga para hindi masyadong halata na sawi, pero ang totoo iniwan na pala at ipinagpalit, at saka nang nangyari ito ay medyo may kaya pa kami kasi nasa France tatay ko nagtratrabaho, isa pa hindi pa maraming pera mga ate ko noon kaya mababait pa haha. Tapos kapag iba naman mga kasama ko mga pinsan ko at saka mga kabarkada niya, palibhasa matatanda sa'kin ang tungo naman namin sa isang patay sindi sa may Bocaue. Hindi ako masiyadong nahirapan dito hindi kagaya doon sa pangalawa kong nakarelasiyon. Iyon nga madami ako laging baon tapos wala akong problema talaga kahit ano sa buhay ko apura lang gala ko palagi, pagka-uwi sa iskuwelahan palit dami lang tapos ayun na, hihintayin na lang mag-gabi lalakad na ulit papuntang beer house. Hanngang sa naadik na. Sa una siyempre nagbabayad pa kinalaunan hindi na kasi may tiwala na. Siguro sex talaga maganda sa katawan bukod sa lalabas ang pawis mo sobrang makakalimutan mo pa siya, ang problema lang paano mo naman maaalis ang bisyo mo na iyon? Naalis ko lang iyon noong, naka bukod na ako ng bahay independiyente kung baga. Wala ng pera kasi pang inom sahod maliit lang kasiya lang sa sarili at saka pang-bayad lang ng mga bayarin sa bahay. Ganoon lang at saka isa pa pagkahiwalay na hiwalay antimano sinauli ko kaagad lahat lahat ng mga binigay niya sa'kin, ayos lang sa'kin kahit hindi niya isauli ang mga bagay na ibinigay ko sa kaniya. Iyong mga magandang alaala andoon pa rin siyempre, hindi naman mawawala iyon hindi ba? Alaala na lang ang mga iyon na minsan ko siyang minahal hindi naman ako gago para makipagbalikan pa kasi ginago na nga e babalikan ko pa. Sa una talaga masakit pagtagal tagal mawawala din naman. Iyon lang talaga matagal matapos ang isang araw kapag nasa ganiyang kondisyon.
Pixabay
Ito talaga ang hindi naging madali para sa'kin, kasi wala na ako lahat nito 22 taong gulang ako nito. Akalain mo isang tiga F.E.U ulit ang nagpatibok sa puso ko? Nakilala ko naman ito sa debut ng pinsan ko. Mahal din naman niya ako kaso wala siyang nagawa kung hindi sa magulang niya kaya napilitan siyang o pumayag siya na ipagkasundo siya doon sa amigo ng mga magulang niya. Pero kahit na walang text text o tawag man lang mula sa kaniya, nanay pa niyang siraulo ang kumausap sa'kin at sinabing ayaw niya sa'kin at mas gusto niya si ganiyan ganiyan para sa anak niya. Minamaliit nila ako akala siguro nila wala ako ibubuga haha.
Papaiksiin ko na lang kasi nahihigh blood ako at saka para umabot na rin sa 1,500 na salita. Napakahirap talaga pala palagi kong iniisip kung bakit ganoon. Hindi naman ako pangit dati, wala naman akong eyebags saka mga tigyawat tapos ganoon pa nangyari 8 na buwan lang kami pero hirap na hirap ako. Ubod ng daming pera at panahon ang sinayang ko para sa kaniya. O andito na tayo sa pagmo-moveon Una ko yatang ginawa sinunog ko mga love letters na ginawa namin sa isa't isa, sinunug ko rin mga tula na ginawa ko para sa kaniya. Nanghinayang ako doon sa papel na ginamit ko ang mamahal kasi, pero iyong mga alaala hindi ko na pinanghinayangan. Bale wala na sa'kin iyon. Galit na galit kasi ako gusto ko talaga pumatay ng tao. Binlock ko sa friendster at saka sa myspace, binura ko mga litrato namin na magkasama kami, binura ko rin mga cellphone numbers niya at saka landline number niya. Trabaho lang ako nang trabaho, puro pera lang iniisip ko akala ko ganoon lang kadali pero hindi pala. Andoon pa rin siya sa isip ko kahit anong gawain ko. Ubod sa tagal ko talaga bago ko siya nakalimutan bumilang talaga ng maraming taon. Patawa lang ako lagi nang patawa nang sa gayon mapasaya ko sila pero sarili ko hindi ko mapasaya. Pilit ko man ginagawa kung saan ako magaling pero ganoon pa rin, kapag ako na lang mag-isa ganoon pa rin. Inom nang inom ng alak kinabukasan ganoon pa rin. O grabe hirap na hirap talaga ako noong mga panahon na iyon. Paulit ulit ko lang ginawa mga sinabi ko para kahit paano mapawi ang lungkot at pighati. Ang pinaka importante talaga huwag babalikan ang mga magagandang nangyari, kapag sumagi sa isipan at hindi talaga mapigilan ang pagkakataon. Gumawa ng mga bagay na pinaka ayaw mo nang sa gayon makatutok nang maayos sa gnagawa at hindi mapagalitan ni ate haha. Tanim tanim din uy. Kapag nagoonline games naman ako mas mahirap maka move on dahil mas nakakaadik e. Kaya hindi magandang solusyon ang paglalaro ng mga online games. Tatanda ang itsura dahil sa kaadikan. Huwaag na huwag dapat ipe friend ulit kahit mga kamag-anak niya block din at siyempre siya rin tiisin mo na huwag tiktikan mga social media, Noong araw naman Friendster lang at saka Myspace. Buod na lang ito ng mga nangyari sa buhay ko pati na rin sa piling nila. May matutuhan ba? Kaunti lang siguro. Huwag masiyadong magpakaadik sa kahit na anong bagay. Huwag din naman sobrang mapaghiganti. Kasi ang diyos nga nagpapatawad tayo pa kayang tao lang? Iniwan lang nila tayo hindi tayo binawian ng mga buhay natin. O paano hanggang dito na lang talaga ako at inaantok na ako. Hanggang sa muli paalam.
Bilang ng mga salita: 1059. Shortcut na lang ang lahat kaya hindi maganda ang pagkakalahad haha.