Ang tulang ito'y aking alay sa ating mga bagong bayani. Ang magsasakang Pilipino. Sapagkat sila ang dahilan kung bakit sa hapag nati'y may nakahain.
Pangarap nyang sa kahirapa'y makaraos.
Umaga.
Tanghali.
Hapon.
Gabi.
Pagbabanat ng buto'y walang oras.
Walang lugar ang pagod.
Lungkot at dusa.
Bayan ay mapakain lang.
Talagang ika'y dakila yaring magsasaka
Ngunit sa kanyang gawang dakila.
Siya'y lalong ginupo sa kahirapan.
Ang bayan na sya dapat sa iyo'y magtanggol.
Mga mamamayan mong pinakain
Siya pang tumapak sa iyong karapatang mabuhay.
Ganun pa man.
Ako'y sa iyo ay nagpapasalamat.
Sa iyo, oh dakilang magsasaka.
Maraming salamat po sa pagkain.
Bunga ng iyong pawis at sakripisyo.
Sana iyong kapalara'y magbago.
Balang araw ngiti'y mamutawi sa iyong mga labi.
Tunay na ikaw ay dakila.
Wala kami kung ika'y mawala.