Kumusta po kayo, ikinagagalak kong kayo'y makilala't makasama.
Ako'y nahalina mula sa https://www.marlians.com/.
Ako'y nagmula sa gitnang luzon at kasalukuyang nakatira sa kalakhang Maynila.
Ang aking ama't ina ay Pilipinong tunay!
Pinanganak na Pilipino ngunit wikang banyaga ang sa aking bibig ay namumutawi.
Masakit mang isipin, ngunit ako'y hirap sa pag gamit ng aking sariling wika.
Ipagpaumanhin mo kabayan ko, ang mali mali daglat sa aking panulat.
Pero ako'y nangangako sa aking sarili't mahal na bayan.
Pipilitin kong ako'y gagamit lamang wikang Filipino sa aking mga panulat.
Sabi nga ni Rizal.
"Ang hindi magmahal sa kanyang salita, mahigit sa hayop at malansang isda."
Datapwat baga'y marapat nating pagyamaning kusa na tulad sa inang tunay na nagpala.
Ang ating sariling wika ay tulad din ng salitang Latin o ng sa Ingles.
Hanggang dito na lamang ang aking pag papakilala.
Lubos na gumagalang,