Maaring ikaw ay madaming pinagdadaanan
Problema ay kaliwa't kanan
Minsan hindi mo alam kung saan ka pupunta
Gulong gulo sa dami ng mga problema
Patong patong at hindi alam kung alin ang uunahin.
Minsan ay napapayuko at napapailing na lang
Saan ka makakarating? Ang tanging tanong mo lamang
Kailan matatapos, kailan maso-solusyonan?
Walang makapitan, kundi dasal lamang..
Diyos ko, Diyos ko, tulungan mo kami
Na malampasan ang mga ito
Alam kung nandyan ka lamang
Sa itaas at kami'y iyong ginagabayan.
Kami ay nanalig, nagdadasal na magtatagumpay
At malampasan ang mga pagsubok sa buhay
Bigyan mo kami ng lakas at tibay ng loob sa araw-araw
Salamat sa bagong umaga....
Dahil habang may buhay ay may pag-asa....
Kaya natin yan mga pare ko! Gorabels!
Photos are all mine. Taken this morning.
Please continue to support
If you haven't vote your witness yet, vote Terry now!
Write >>>https://steemit.com/~witnesses
Yours truly,
The village girl by the Steemian Ocean