Blessed Resurrection Sunday sa lahat! 🙌🙏
Ang ipinagdiriwang natin ngayon ay ang pinakamahalagang bahagi ng kasaysayan ng mundo. Dahil kung hindi ito naganap 2,000 years ago, wala kahit isa sa atin ang magkakaroon ng pag-asa na magkaroon ng magandang buhay pagkatapos ng oras natin sa mundong ito.
Kung iniisip natin na minsan lang tayo mabubuhay kaya dapat i-enjoy natin ang buhay natin dito, susubukan natin ang lahat, at gagawin natin ang kahit ano para kumita ng pera—dahil kailangan natin ito para magawa ang gusto natin—ang nakakalungkot na realidad ay binabase natin ang buhay natin sa maling katotohanan at paniniwala.
Totoo, minsan lang tayo mabubuhay sa mundong ito. Pero totoo rin na hindi dito natatapos ang buhay natin. Totoo na balang araw manghihina ang katawan natin, magkakasakit tayo, o maaksidente—na magreresulta sa pagtatapos ng buhay natin dito sa mundo. Pero totoo rin na bukod sa physical na katawan, meron tayong kaluluwa—ang tinatawag na “inner man” o tunay na pagkatao—na patuloy na mabubuhay kahit wala na ang ating physical body.
Ang kaluluwa natin ay may dalawang destinasyon pagkatapos ng buhay natin sa mundong ito: langit o impyerno. Pero ang nakakalungkot na realidad ay lahat tayo ay patungo sa impyerno (lugar ng pagsisisi at pagdurusa) dahil lahat tayo ay nagkasala. Walang imperpekto o marumi ang maaaring makapasok sa langit. Kaya sa totoo lang, wala tayong pag-asa.
Kaya napakahalaga ng ginawa ng Panginoon natin 2,000 years ago—nang bumaba Siya sa mundo upang ibigay ang Kanyang buhay bilang kabayaran sa kaparusahan ng ating mga kasalanan. Dahil imbes na tayo ang magdusa, sinalo ni Hesus ang kaparusahan na para sa atin.
At dahil dito, balang araw kapag hinatulan tayo ng Diyos, hindi na tayo mapapatawan ng guilty verdict—dahil nabayaran na ang kaparusahan ng ating kasalanan. Ang dugo ni Hesus ang magsisilbing tanda ng kabanalan at pagkamatuwid natin. Dahil dito, kahit marami tayong kasalanan at kapalpakan, maaari tayong makapasok sa langit—hindi dahil sa sarili nating gawa, kundi dahil sa ginawa ni Hesus para sa atin at kung sino Siya sa buhay natin bilang ating Diyos at Tagapagligtas.
Lahat ng sinabi at ginawa ni Hesus ay maaaring isipin ng iba na kasinungalingan, dahil kahit sinong tao ay puwedeng mag-claim na siya ang tagapagligtas. Kaya napakahalaga ng Resurrection Sunday—dahil ang muling pagkabuhay ni Hesus ang patunay na totoo ang lahat ng Kanyang sinabi at ipinangako. Ito rin ang patunay na hindi lang Siya tao, kundi Siya mismo ang Diyos at Tagapagligtas natin.
Kaya ipinagdarasal ko na ngayong araw, kung hindi pa natin tinatanggap ang kapatawaran at kaligtasan na inaalok ni Hesus, tanggapin natin ito. Dahil ito ang pinakamahalagang desisyon na gagawin natin—dahil ang epekto nito sa buhay natin ay hindi lang pansamantala, kundi walang hanggan.
Mahal ka ni Hesus, kaya ibinigay Niya ang Kanyang buhay para sa’yo. At pinatunayan Niya na kaya Niyang panindigan ang lahat ng Kanyang pangako sa pamamagitan ng Kanyang muling pagkabuhay—bilang patunay na Siya ang Diyos at Tagapagligtas natin.🙏❤️
📸 Photography
đź“· Infinix HOT 60 Pro
Philippines 🇵đź‡