Kumain ng Wasto at maging Aktibo... push natin 'to!
Ang Nutrition Month ay ipinagdiriwang tuwing Hulyo bawat taon sa ilalim ng Presidential Decree 491: Nutrition Act. Ang layunin ng batas na ito ay magkaroon ng kamalayan ang mga Filipino tungkol sa tamang nutrisyon.
Tradisyon na ng mga Pilipino na ipagdiwang ang "Nutrition Month", bawat paaralan ay lumalahok dito. May kanya-kanyang estilo ang bawat mag-aaral sa kanilang susuotin sa parada.
Ang aking anak ay piniling magsuot ng damit na mukhang ubas.
Ang aking anak kasama ang kaibigan niyang si Naiyah na nakasuot naman ng carrot
Class Picture, Nutrition Month 2019
Maraming salamat sa pagbabasa!
Nawa ay kumain tayo ng prutas at gulay kahit na hindi Nutrition Month.