February 17, 2018
Hindi ko alam kung anong eksaktong oras namatay ang pusa ko.
Isang araw, nagkasakit sya.
Hindi na sya makatayo, hindi na makalakad ng maayos at hindi na kumakain.
Pag-inom na lang ng tubig ang kaya nyang gawin.
Pero umabot na sa punto na pati pag-inom di na nya ginawa.
Mabait syang pusa. Sya yung tipo na kapag binigyan mo ng pagkain, hindi nya agad kakainin. Titignan ka muna nya tapos lalapit sayo at mag mya-meow. Yung parang nagpapasalamat muna sya.
Sya yung tipong hindi madamot. Kapag tapos na syang kumain, babantayan nya lang yung pagkain at mag mya-meow. Pagkatapos nun, darating na yung mga kapitbahay na pusa. Para bang pinapakain nya pa.
Sya yung mabait na kapatid. Nakita ko kung paano nya ipinagluksa kapatid nya noong namatay ito. Yun bang pilit nyang nirevive ang kapatid nya para mabuhay. Yung tipong hanggang sa ilibing kapatid nya binantayan nya yung puntod ng tatlong araw. Nakaupo lang sya sa harap nung puntod. Aalis lang sya doon kapag kakain sya,babalik rin kaagad.
Sya yung tipong masunurin. Pag sinabing upo , uupo yun. Pag sinabing wag lumapit, di lalapit yun.
Pero ngayon, wala na sya. 😠Mamimiss ko sya lalong lalo na yung mama ko.
Sa tinagal tagal, ngayon ko pang nakita ang mama ko umiyak para sa pusa. Mas close kasi sila.
Nakakaawa si Bonet. Akala ko hindi ako iiyak pero umiyak parin ako. Pero ang pinagkaiba, hindi ako nagwala. Alam ko kasi na namatay sya sa sakit at ngayon pwede na syang magpahinga.
Farewell Bonet. Iloveyou. Sana maging Masaya kana kung saan ka man ngayon. 😠Mamimiss kita.Salamat sa mga oras na binabantayan moko noon. Salamat sa pagiging kasama namin ng pitong taon. Di kanamin malilimutan.