Hello mga ka-tropa! Narito ako muli para mag share ng isang likha na tula na ewan basta ganun para suportahan ang contest ni
na #paboritongalaala.
For the record hindi ako contestant pero since chill ang contest naisip ko din na magpost. Para sa buong mechanics ng patimpalak ni pwede mong i check ang link na ito. 100th day Celebration | Writing Contest: Ang Paborito Kong Alaala
AKO AY BATANG 90's
SINULAT AT BINIGKAS NI @TPKIDKAI
MEMA-POST BILANG DI KO NA ALAM
Ako ay batang 90's
Alam na alam nyo na yan dahil sikat yan iyong newsfeed.
Yung kwentuhan tungkol sa anime tuwing hapon
Hanggang sa paglalaro ng habul-habulan doon sa may subdivision.
Ay.. wala nga pala kaming subdivision.
Pag tinanong ako kung saan ako nakatira sasabihin ko taga U.S.A.
United Squaters Area ng Laguna!
Pero di naman yan ang paborito ko talagang ala-ala
Kasi ito yun talaga.
Nung mga panahong bata pa kami usong-uso yung terno
kaya kami ng kapatid ko laging magkaparehas pormahan tuwing pasko.
Lagi nalang kaming napagkakamalan na kambal dahil dito
Pero sikreto nalang natin ako talaga ang mas gwapo.
Naaalala ko din ang mga panahon na kung saan may puno ng aratilis.
Kakainin ang pula nitong bunga na sobrang tamis.
At yung moro-moro na isa sa aking paborito
Magtatakbuhan ng mabibilis hanggang sa makarating sa kabilang kanto.
Hay... diba ang saya ano?
Wala kang iintindihin kundi puro lamang laro
At pag narinig mo ang sutsot ng nanay mo.
Alam mo na kailangan mo nang umuwi dahil pag hindi sa bilang ng tatlo
Nandyan na ang kapatid mo isusumbong ka sa para ikaw ay mapalo.
Sympre pag hapon, pag walang pasok dapat mag siesta.
Minsan may eksena pa na ako ay iiyak dahil di ako binigyan ng lima.
Yan ang pangako kapag ako ay natulog sa hapon
Pero ngayon, kahit ako na ang magbayad para sa tulog na gusto kong maipon.
Ako ay batang 90's
Alam na alam mo na yan dahil sikat iyan sa iyong newsfeed.
Yung saulado mo ang walong dragon ni Recca
at ilalagay ang initials nila sa iyong braso tapos maglalaro kayo na parang ninja.
Pag nagkaasaran na maghahamon na ng suntukan
Doon lagi ang venue sa may dagat-dagatan
Pero matapos non kami parin ay magkakaibigan
Maglalaro ng habul-habulan doon sa may subdivision.
Ay.... wala parin pala kaming subdivision hanggang ngayon.
Sound Credits:
Dati Karaoke
Tagpuan Piano Cover
Ang larawang ginamit ay mula sa under Creative Commons.