Isang matiwasay at simpleng pamumuhay ang naabutan ko sa lungsod ng Mindanao,(koronadal City, South Cotabato) kung saan ay namalagi ako ng ilang b'wan. Kung noo'y takot na takot ako sa tuwing marinig ko ang "Mindanao " dahil sa napapabalitang dito naninirahan ang mga masasamang tao.
Sa pagtuklas ko sa tahimik na buhay ng mga Mindanawon ay napamahal na ako sa kanilang masagana at mala paraisong lugar. Malalambing ang mga tao rito, at hindi alam ng lahat ng tao na hindi puro Muslim ang bumabalot sa Mindanao, merong bisaya, ilonggo, ilocano, b'laan at may lugar ding puro Muslim ngunit karaniwan sa kanila ay nahalu'an na ng dugong kristiyano at nakikiisa sa mga aktibidadis tungo sa kaunlaran at katahimikan ng kanilang lugar.
Hindi naman puro saya, dahil alam ng lahat ang nangyari sa Marawi kung saan nagtiis at nagdusa ang taga Marawi sa kamay ng mga Maute group, ganoon din sa lugar ng Cotabato City, na hindi mawalan-walan ng problema.
Yan ang lugar na binabalot ng karahasan ngunit sa ibang parte naman ay matiwasay. Ngunit di mapagkakaila na nakamarka na sa isipan ng mga tao ang purong karahasan at hindi ang kabutihang nagagawa ng mga tao.