Mga kaganapan sa jeep na gusto mo ng humugot at mapapa transform ka pa talaga sa inis
Yun pasakay ka pa lang biglang aandar na lang.. (Ano ako? The flash nakaupo na agad.) Naghahabol siguro ng quota si manong.
Magbabayad ka na ng pamasahe mo nakikisuyo ka na at walang nag-aabot.. (Parang gusto mo ng sabihin sa driver, Manong Catch eto po bayad ko.
May makakasabay kang maarte na bagong rebond o ladlad ang hairlalu, yun tipong lumilipad un buhok sa mukha mo at braso mo, dba ang kati-kati sa balat. Humahampas-hampas na parang walis tambo.. Kainis dba? Kung may dala ka lang gunting baka ginupit mo na yun buhok ng katabi mo.
Makatabi ka ng manyak kahit na hindi ka naka-sexy dress may sadyang manyak na makakatabi. Ang gawin mo,
Dahan-dahan kang mejo patayo tapos sabay bagsak ng puwet pabalik sa upuan tiyak agaw eksena ka pa sa manyak mong katabi at nakabawi ka pa sa pangmamanyak niya sayo..Yun pagsakay mo pa lang sa jip, magbabayad na ikaw un mejo malapit sa driver daig mo pa ang conduktor sa kada abot ng bayad.. Ok naman kung maayos mag-abot ng bayad un iba.. May malalaglag pa na barya na ikaw pa pagdadampot. (Biruin mo na lang un driver na i-discount ka na lang sa pamasahe o d kaya libre na, naging conduktor ka naman eh)
Yun malapit ka ng bumaba tinantiya mo kung saan ka banda papara siguro mga 20 dipa ang layo sa destination mo. Kahit maagap ka sa pagpara at malakas na ang pagkakasabi mo pero inilagpas ka pa rin. Sabihin mo na pasigaw "MANONG PARA PO SA MALAYO, kanina pa pumapara! Grrrrhhhh ka!"
Yun ikaw na lang ang hinihintay na pasahero na pupuno sa loob para makaalis na pero tingin mo na wala na talaga space para sayo, decided ka ng bumaba pero pinigil ka ng dispatcher
DRIVER: usud-usod para makaalis na.
Nagka-space nga pero kakarampot lang parang isang palad mo lang ang kakasya.. Mejo inis ka na pero kailangan kalmado pa rin. Abot ng bayad
IKAW: manong bayad 1/8 lang...
1/8 lang ang ibabayad ko kasi 1/8 lang ng puwet ko ang nakakaupo eh..May makakatabi ka na natutulog at ginagawa ka na niyan unan.. Ikaw naman mejo ok pa sayo baka puyat lang pero un sobrang bigat na ng ulo. Aba naman sikuhin mo na para magising (biro lang!) kalabitin mo na lang un ulo sabihin mo HOY BAKA LUMAGPAS KA, ipapara na kita wag ka ng mahiya pa.
Nasa loob ka ng jeep may modus na nagbibigay ng sobre humihingi ng tulong o d kaya nanlilimos pag nakaramdam ka na paakyat na sa jeep, magkunwari ka na lang TULOG. Pero pag huli na ang lahat tanggapin mo na lang yun sobre magbigay ka kahit barya lang...
Meron pang pagsakay mo pa lang ng jeep yun makakasabay mo parang gusto ng kunin ang pera mo para iabot sa driver pero wag ka "HARBAT" si kuya/ate. Kunwari iaabot niya pero nakaipit lang yun papel na pera, dapat alerto ka gamitin ang boses para magsalita
"MANONG, BAYAD KO BENTE SUKLI KO PO KWATRO!" Tingnan ko lang kung di mangarag un nang-ipit ng pera mo..
--by dyosaPops